← Back to Home
‘It’s Showtime’, naging daan para makita muli ni Mark aang kanyang ama | It’s Showtime

‘It’s Showtime’, naging daan para makita muli ni Mark aang kanyang ama | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 8/13/2025, 6:32:45 AM669 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Tawag ng Tanghalan#TNT#Tawag ng Tanghalan Father and son#Mark and father TNT#Mark and father Tawag ng Tanghalan#Tawag ng Tanghalan Father and son reuninon#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Karylle#Darren Espanto#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#

Apir tayo, pero hindi sasakit ang ulo n’yo dahil good vibes lang ang hatid ng “It’s Showtime” family this Wednesday.

Kung sa dance floor sila’y mga alamat at hari’t reyna ng galawan, sa “MASAsagot Mo Ba,” susubukin naman ang kanilang kaalaman sa mga pangmasang katanungan. Pero bago ang game mode, kulitan muna with the players, SexBomb Girls at Manoeuvres, para mas happy ang mood. Si Anne Curtis, hindi inatrasan ang showdown with SexBomb Girls Rochelle, Mia, at Sunshine.

Pataas nang pataas din ang energy sa bukingan nina Vhong Navarro at Jhong Hilario at Manoeuvres members Joshua, Jon at Reden. Kung may Manoeuvres, pag-sample-in na rin natin ang Streetboys. Take it away, Jhong and Vhong!

Kung napa-wow tayo sa unang bugso ng mga talento, pasabog din ang mga paandar ng ikalawang batch ng mga gwapo sa pagpapatuloy ng “The Fiestacular Finals” ng “Escort Mo Show Mo.”

Delivery rider ang peg ng choreographer from Brgy. Payatas, Quezon City, si Jonathan, na dedma sa tirik na araw basta hataw lang sa gitna ng initan para ang good vibes ay ma-deliver at siya ang maging winner.

Forda flex naman si Edwin ng Brgy. 61 Zone 5, Tondo, Manila ng magic skills na puhunan din niya sa trabaho. ‘Yung apoy, naging magandang babae! Paano nangyari?!

Mula sa Don Bosco, Paranaque, binuksan ni Kramim ang puso sa isang spoken word poetry. Bullying ang tema ng tula na hinugot mula sa sariling mapapait na karanasan.

Pauwi na si Mark ng Brgy .San Juan, Cainta, Rizal, pero hindi uuwing luhaan dahil napasaya niya ang manonood sa isang LDR-themed dance number.

Kung sa talent sila’y todo hataw at pagpapakita ng galing, sa next round ay acting skills naman ang susubukin. Dito sa kakaibang Q&A portion ng “Escort Mo Show Mo: The Fiestacular Finals,” may tanong na haharapin pero ang sagot ay idadaan sa acting. Nasukat kung sino talaga ang witty at malikhain at nagpakatotoo sa mga sasabihin.

Lights, camera, action! Unang sumalang sa Jonathan (Brgy. Payatas, Quezon City), na inarte kung ano ang gagawin niya para mapaalis na ang kamag-anak (Teddy Corpuz) na isang taon nang nakikitira sa bahay niya.

Nakaharap naman ni Edwin (Brgy. 61 Zone 5, Tondo, Manila) ang boomer Tita na si Amy Perez sa aktingan. Ang eksena, paano niya sasagutin si Tita na masyadong pakialamera.

Nauwi naman sa rap na BisaKor as in Bisaya at Koreano ang aktingan nina Escort Kramim (Don Bosco, Paranaque) at Ryan Bang. Feel-good lang ang eksena kung saan sisingilin ni Kramim ang kaibigan na ayaw magbayad ng utang.

Naging totoong dramahan ang kunwa-kunwarian ni Mark (Brgy .San Juan, Cainta, Rizal) at Jackie Gonzaga sa eksenang haharapin niya si ex-girlfriend na naghahabol sa kanya. Napalalim ang payo ni Mark, kaya naman si Jackie ay tinamaan sa heart!

Bongga ang feedback nina Board Members Bianca De Vera, JM Ibarra, at Iyah Mina, na nahirapan sa pagpili ng best escorts dahil lahat magagaling. Pero matapos salain, ang hinirang na Top 3 ay sina Mark, Daniel, at Kramim. Pasok na sila sa grand finale na magaganap sa Sabado. Samantala, abangan naman ang pagsisimula ng “Breaking Muse” grand finals bukas.

Mahigpit ang naging laban ng dalawang mang-aawit sa “Tawag Ng Tanghalan” Year 9.

Pagmamahal ng ama ang sandata ni Jay Mark Cadiwetan sa pagsali sa patimpalak ng mga matatapang, singing Jaya’s “Hanggang Dito Na Lang.” Complete package kung ilarawan ni hurado Nyoy Volante si Jay Mark, dahil nasa kanya na ang lahat, from voice to looks.

Ang hinamon, si defending champion Bryan Escabal, buong puso ang ibinuhos sa pagkanta ng “Minamahal Kita” ni Freddie Aguilar. Pinuri naman ni hurado Marco Sison ang linaw sa pagkanta at rage ni Bryan.

Mula sa hugot sa kantahan, mas lumalim pa ang hugot sa kuwentuhan nang pag-usapan ang reunion ni Jay Mark at kanyang ama, na muling nagkita after 18 years. Naikuwento ni Tatay Joselito kung bakit siya nawalay sa anak.

Sa araw na ito, isang bagong kampeon ang umakyat sa trono. Si Jay Mark ang panalo sa score na 93.7% laban sa 92.3% na grado ni Bryan.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.