← Back to Home
Vice Ganda, hindi kayang titigan ng matagal si PEPE? | It’s Showtime

Vice Ganda, hindi kayang titigan ng matagal si PEPE? | It’s Showtime

Vice Ganda, hindi kayang titigan ng matagal si PEPE? | It’s Showtime

🕒 7/31/2025, 4:47:35 AM521 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Pepe Herrera#Vice Ganda#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Benj Manalo#Betong#Angel#Khianna#Zymba Ding#It's Showtime#Showtime#ShowtimeBrgyMASAya#MASAsagot Mo Ba#Bela Padilla#Anne Curtis#Karylle#Kim Chiu#Jugs#Teddy#Ion Perez#Darren Espanto#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga#Amy Perez#Ryan Bang#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Argus#Imogen#Jaze#Kulot#Lucas#Madlang People#Breaking Muse#Escort Mo Show Mo#Step In The Name of Love#

Sa pagtatapos ng Nutrition Month, isang paalala na kumain ng sapat at masustansya. Para sa panghimagas, matamis na tawanan ang ating pagsaluhan kamasa si Vice Ganda at ang kanyang “It’s Showtime” pamilya with special guest co-host Bela Padilla.

Masustansya ang ampalaya pero huwag maging bitter ‘pag hindi tumama sa “MASAsagot Mo Ba?” Good sport lang ang Team PABEBE nina Pepe Herrera, Benj Manalo at Betong Sumaya laban sa PAPANSIN Squad nina Angel, Zymba Ding, at Khianna.

Ilan sa mga katanungan ay tugkol sa ibig sabihin ng 4Ps, pangunahing sangkap ng binatog, at sikat na signage sa mga jeepney. Kung hindi madaan sa panghuhula, si Pepe, dinaan sa karisma. Agad pinuri ang beauty ni Angel baka sakaling siya’y pagbigyan ng kalaban. Speaking of Pepe, napaisip si Vice Ganda, na aminadong gusto ng ‘Pepe’ sa buhay niya.

Kumain ng kalabasa para luminaw ang mata at makita ang tunay na ganda ng dalawang dalaga na pambato ng kani-kanilang baranggay sa “Breaking Muse” segment.

Dito banda sa Brgy. 101 Velasquez, Tondo Manila, si Muse Dang ang pambato nila. Ingat mga marites dahil ‘pag siya ay nagkaroon ng superpowers, gusto n’ya ‘yong powers na tupukin ng apoy ang bashers. Mataas ang standard sa lalaki, kaya ‘di bale nang single muna, basta hindi magkakamali.

Si Jhein ang muse ng Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City. Ganda niya ay hindi fake news kaya ipagkakalat niya ito. Ang confidence niya, nagmumula sa pagmamahal ng asawa.

Atake rin ang confidence ni Vhong Navarro, na mala-River Joseph daw ang pormahan from head to toe. Hirit ni Vice Ganda, oo, River nga, as in maruming river! Kung may River, si Binsoy Namoca naman ang nakikita ni Meme kay Jhong Hilario. Eh, kay Teddy Corpuz? Ah! Parang Vice Ganda Season 1 era!

Ipinakilala rin ang Board Members na sina Alexa Ilacad, Will Ashley at Bianca De Vera. Biro ni Meme, iwas na lang muna sa chikahan para iwas din sa ka-toxic-an.

Araw-araw ay fiesta feels sa studio dahil sa pasabog talent ng contestants na ayaw magpatalo. At pagdating sa Q&A, kung kayo ang tatanungin, handa ba kayong maging pinakamaganda sa mundo, pero kayo rin ang pinakamabaho? O ‘pag sinabing maganda ka sa personal, magpapa-picture ka pa ba?

Ano kaya ang sagot dito nina Board Members Alexa at Bianca? Eh, si Board Member Will Ashley, masasagot kaya ang tanong ni Meme tungkol sa love team na kinakikiligan niya?

Deliciously good ang performances ng dalawang contenders na sumalang sa “Tawag Ng Tanghalan” Year 9.

Break muna sa pagtitinda ng street food si Cecilia ng Negros Oriental. Dito sa tanghalan, bentang-benta ang talent niya sa pagkanta. “Ikaw Lang Ang Mamahalin” ang napili niyang piyesa.

Mahilig mag-vlog at videoke with friends ang ikalawang kalahok. Hindi man bihasa sa mga singing contest, ibibigay pa rin ang best. Isang harana, singing “Dancing On My Own,” ang handog ni Marlon ng Misamis Oriental.

Ayon kay Punong Hurado Nonoy Zuniga, parehong makapal ang boses nina Marlon at Cecilia, perfect for a recording career. Pero only one ang pwedeng manalo sa tanghalan, at ‘yan ay walang iba kundi si Marlon na nakakuha ng 91.3% total score, at 89.7% naman ang nakuha ni Cecilia.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.