‘Pag kumapit sa positivity, siguradong slay at kabogera ang Wednesday. Samahan pa ng mga hirit na havey ng “It’s Showtime” family, heart mo ay feeling happy katulad ng Madlang People sa studio na halos lumundag sa tuwa nang makita sina ex-“PBB Collab” housemates Brent Manalo, AZ Martinez, at Dustin Yu aka Team ColLove, na naglaro sa “MASAsagot Mo Ba”?
Nakalaban nila ang Team Magikstars nina Christof, Inigo Jose, at Joaquin Arce.
Sa huli, nanaig sa pabilisan at pagalingan sa trivia game ang grupo nina Dustin, Brent, at AZ, kahit na-challenge sa jackpot round. Kaya ang request ni AZ: “One more po.” Raise your hand kung gusto n’yo silang makita again and again sa “It’s Showtime!”
Join din sa kulitan si Maymay Entrata bilang guest co-host.
Mula sa laro na sumubok sa kaalaman ng masa, confidence naman ang bida sa rambulan ng dalawang gwapo sa “Escort Mo, Show Mo.”
Global heartthrob ang datingan ni Onyok ng Brgy. BF International, Las Pinas City. Bukod sa ipinagmamalaking kapogian, forda flex din siya ng kanyang pusong nagsisilbi sa pamayanan. Huling-huli niya ang kiliti ni Jackie Gonzaga, pero sorry, Ate Girl, hindi ka raw pasado sa panlasa niya. Hindi na bago sa kanya ang mambasted. Ilang beses na niya itong ginawa, dahil ang kanyang motto: studies first.
Sabi naman ni Mark ng Brgy. San Juan, Cainta Rizal, walang challenge ang puksaan kung si Onyok lang naman ang kalaban. Lamang daw siya sa maraming bagay, katulad ng love life.
Hindi lang physical looks kundi brains and talent ang sukatan para tanghaling escort ng bayan. Matapos ang masusing pagkilatis, si Mark ang uuwing may panalong matamis.
Samantala, from “MASAsagot Mo Ba?”, forda segue si Brent Manalo bilang hurado. Sumusuki ka na Brent, ah! Parang si Kai Montinola, na nagbabalik bilang Board Member. And she’s back with a simple request–sana si Ogie Alcasid ay kanyang maka-duet. Present din si Negi, na pigil na pigil sa sarili, baka kasi ma-in love sa escort tapos masasaktan lang sa huli. Ouchy.
Confidence with vocal prowess na intense ang kailangan upang manaig sa “Tawag Ng Tanghalan” Year 9.
Para sa KanTapatan round, unang sumalang sa entablado ang pambato ng Butuan City, si Jesiree Castanos, singing “Natutulog Ba Ang Diyos?” Refreshing–ganyan kung ilarawan ni hurado Marco Sison ang performance, dahil mas sanay tayo sa male rendition ng kanta, lalo na ang OG version ni Gary Valenciano. Hindi man present si Gary V sa studio, dinig mo pa rin ang boses nito. Take it away, Darren Espanto. Kung performance naman ni Darren ang bibigyan ng grado, pasado kaya ito kay hurado Marco?
Sa gitna naman ng kuwentuhan, ibinahagi ni Jesiree ang struggles bilang single mom of three, especially matapos mawalan ng trabaho dahil sa AI.
Effortless ang husay ni Jenver Mae Bara sa pagkanta ng “At Ang Hirap.” Kung may nahirapan man, sigurro sina hurado Marco at Nonoy Zuniga, na parehong napilitan sa knock-knock jokes nila!
Heto, hindi joke ‘to! Si Jenver Mae ang itinanghal na panalo.
