← Back to Home
Showtime hosts, may mga hirit tungkol sa “dentistry”

Showtime hosts, may mga hirit tungkol sa “dentistry”

Nakisaya sa ating Tuesday kulitan ang ating mga TNT Champs, TNT Hurados at si Bela Padilla.

🕒 7/29/2025, 5:48:57 AM460 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Bela Padilla#Bela Padilla Showtime#Showtime host dentistry#Showtime family dentistry#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Karylle#Darren Espanto#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#

Hindi piyesa sa pagkanta ang ni-review ng “Tawag Ng Tanghalan” champs at hurados kundi trivia questions para sa “MASAsagot Mo Ba?”  

Road to victory ang jeep nina JM Yosures, Lyka Estrella, at Marko Rudio. Pero same destination din ang gustong puntahan nina hurados Bituin Escalante, Jed Madela, at Sofronio Vasquez. 

Hindi lang husay sa trivia game ang nasubukan, pati sa edad ay nagkabukingan. At kung hindi uubra ang hula, baka daanin na lang sa takutan? Hindi naman sa sinindak nila ang champs, sadyang nanaig lang ang bilis at performance ng mga hurados.  

Intense pero inspiring ang naging laban ng dalawang babaeng pinagpala sa kagandaan. Pero bago pa man ang face-off ng mga “Breaking Muse” contestants, nauna na ang puksaan nina Vice Ganda at Max Collins. Meron nga bang gaya-gaya puto maya? Pabiro rin na naubos ang pasensya ni Meme nang si Max ay bumanat ng knock-knock joke na waley. Kasama rin ni Max bilang Board Members sina Iyah Mina at ang na-miss nating lahat na si Zanjoe Marudo.  

Ito na ba si Anne Curtis? Dyosa ang peg ni Joana ng Brgy. Bambang, Los Banos Laguna. Hindi mo pwedeng maliitin ang kanyang beauty, pati na ang dream niyang maging dentist someday. Palipat-lipat man ng tirahan, pero kahit saan siya dalhin, bitbit niya ang tiwala sa sarili.  

Ma! Mapagmahal! Ma! Maganda! Ma-i-in love ka sa lakas ng amats, este lakas ng confidence ni Siera ng Brgy 176-E Bagong Silang Caloocan City. Pinagkakaguluhan man ang kanyang beauty pero hindi niya kailangan ng anybody para maging happy dahil sapat na ang joy na hatid ng pagiging single mommy. Isa rin siyang atleta, na ang panlaban ay karisma. Kung walang konek, bahala na, basta charming siya!  

Mula banter hanggang tanungan at talent portion, ginalingan! Kaya naman bumilib sina Board Members Max, Zanjoe, at Iyah Mina sa confidence ang capabilities ng dalawang beautiful ladies. At sa sobrang paghanga ni Zanjoe kay Siena, biro ni Meme, “Parang pakakasalan mo ah!”  

Beautiful voices naman ang bida sa daily round ng “Tawag Ng Tanghalan” Year 9. 

Her singing is all you need para gumaan ang feeling this rainy Tuesday. Sagot na ni Jesiree Castanos ng Butuan City ang harana, singing “All The Man That I Need.” Nagustuhan ni hurado Dingdong Avanzado ang confidence at vocal control ni Jesiree.  

Bandera ng Negros Oriental ay hindi tutumba dahil itatayo ito ng kanilang pambato na si Limbert Yaco, singing Gloc 9’s “Sirena.” Showmanship naman ang pinuri sa kanya ni hurado Bituin Escalante, ngunit payo nito, i-improve ang breathing.  

Bumuhos din ang talento ni Jenver Mae Bara ng Camarines Sur, singing “Basang Basa Sa Ulan.” Para kay Ogie Alcasid, wala nang kulang pa, dahil lahat na ng power ay binigay ni Jenver.  

Sina Jesire at Jenver Mae ang maghaharap bukas sa KanTapatan round.  

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Showtime hosts, may mga hirit tungkol sa “dentistry” | Cheezmis