
Trending at pinusuan agad ng manonood ang debut episode ng Pinoy adaptation ng "It's Okay To Not Be Okay" na umani ng 608,595 live concurrent viewers sa Kapamilya Online Live (KOL) noong Lunes (Hulyo 22) at kasalukuyang number one sa most-watched list ng Netflix Philippines.
Sa unang episode, ipinakilala sa manonood ang mga karakter nina Anne Curtis, Joshua Garcia, at Carlo Aquino. Sa paninimula ng kwento, bonggang animation na ang nakita sa pagbabasa ni Patrick "Pat-Pat" Gonzales (Joshua Garcia), isang psychiatric caregiver ng libro na isinulat ni Mia Hernandez (Anne Curtis) sa kapatid nito na si Matthew "Mat-Mat" Gonzales (Carlo Aquino) na may autism.
Sa nasabing eksena, natahi rin ang pasilip sa nakaraan nina Mia, Pat-Pat, at Mat-Mat at kani-kanilang mga traumang na patuloy nilang nilalabanan hanggang sa ngayon.
Mas nagpapukaw pa sa atensyon ng manonood ang pagkikita nina Mia at Pat-Pat kung saan pinagbawalan ng lalaki ang sikat na author na bawal manigarilyo sa loob ng ospital. Ipinakita rin kasi sa flashback na mukhang hindi ito ang unang pagtatagpo ng dalawa at tila may koneksyon sila sa isa't isa.
Samantala, usap-usapan sa social media ang galing ng produksyon sa animation ng serye pati na ang ipinakitang galing sa pag-arte nina Anne Curtis, Joshua Garcia, at Carlo Aquino kaya naman trending buong weekend ang hashtags na #ItsOkayToNotBeOkayPH at #IOTNBOPH.
Hindi lang netizens ang napabilib ng serye kundi iba't ibang showbiz at social media personalities.
Sey ni Christian Bables, "I felt nothing but pride. From the first frame, it was clear. We didn’t just translate a story, we embodied it. We gave it our soul, our cultural texture. Ramdam mo ang lalim ng Filipino sensibility. The quiet strength, the internal battles, the way we carry pain with tenderness and humor. Each performance had truth in it. Each moment was filled with heart."
Post naman ng sikat na Korean content creator na si Jessica Lee, "Just begand watching this one (It's Okay To Not Be Okay) and really enjoyed the first episode, especially the animation. It was so good."
Tutukan ang episodes ng “It’s Okay to Not Be Okay” tuwing weeknights simula 8:45 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live (KOL) sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Panoorin ito in advance sa Netflix at iWant.