Masungit man ang panahon, hindi mapipigilan ang “It’s Showtime” family sa pagpapalaganap ng good vibes. Kaya stay home hangga’t maaari, at sama-samang panooring muli ang mga ganap sa paboritong noontime show ng Madlang People.
Bumuhos man ang ulan, nakisaya ang mga paborito nating comedian. Present sa studio para maglaro sa “MASAsagot Mo Ba?” sina Rufa Mae Quinto, Empoy Marquez, at Alex Calleja versus grupo nina Petite, Tonton at Iyah Mina.
Hindi kailangang cum laude para maka-perfect. Dapat lang street-smart at observant para ma-gets ang trivia questions tungkol sa mga kaalaman o bagay na nakikita araw-araw. Halimbawa, “Ano ang tawag sa mga nagtatawag ng pasahero sa jeep?” Kuys Alex, “barker,” hindi call boy!
Kasinlakas ng ulan sa labas ang karisma ng dalawang guwapong nagpuksaan sa studio–sila ang mga “Escort of Appeals” of the day. Pero bago pa man ang papogian ng mga barangay escorts, unang napansin ang pormahan ni Vhong Navarro, na very ‘Jarren Garcia’ from head to toe. Sakto! Si Jarren ang isa sa mga hurados sa araw na ‘to. Kasama niyang umupo bilang Board Members sina Bianca Umali at Negi.
Si Robell ng Brgy. Sto Domingo, Cainta Rizal, sobrang gwapo kaya pinakopya ang mukha. Opo, buong mukha niya ang naka-tattoo sa abs niya po! At ang special talent niya, ibuka nang malaki ang bunganga. Grabe, nagulat si Bianca!
Mula naman sa Brgy. Prinza, Calauan Laguna, si Mark Crisly, na pinipilahan ng mga babaeng gustong manligaw. Ang kanyang sandata, kindat na nakaka-in love, pati puso ni Kim Chiu ay nag-alab.
Nagliyab din ang entablado sa lakas ng talent ng dalawang gwapo. May nag-rap at may sumayaw, ang mga babae sa studio, ‘di mapigil sa paghiyaw. Si hurado Bianca, nakita kina Mark at Robell ang mga ‘kulang’ sa boyfriend na si Ruru Madrid. Kapit lang, Bianca, malalabanan mo rin ang ‘tukso.’ Pero maging si Negi ay malapit nang ma-fall, samantalang si Jarren ay na-intimidate at nag-feeling small.
Bumagyo ng talento sa “Tawag Ng Tanghalan” Year 9.
‘Kabog’ at pasabog ang pagkanta ni April Joy Borillo (from Guinobatan, Albay) ng “Amakabogera.” Mala-teleserye OST naman ang tunog ng bersyon ni Crisanto Pon (from Medina, Misamis Oriental) ng kantang “Kapalaran.” At kahit nabilangan ni Punong Hurado Ogie Alcasid, never-say-die ang fighting spirit ni Crisanto hanggang sa matagumpay na naitawid ang pag-awit.
Matapos ang Round 1, si April Joy ang nakakuha ng mas mataas na score at umabante sa “KanTapatan” kung saan kinanta niya ang “Hindi Na Nga.” Hinamon ni April Joy si defending champion Mary Rose Blanes (from Sorsogon) na lumaban with “A House Is Not a Home.”
At home pa rin si Mary Rose sa kanyang trono matapos depensahan ang kampeonato.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.
