← Back to Home
Max, may sama ng loob kay Ryan Bang? | It’s Showtime

Max, may sama ng loob kay Ryan Bang? | It’s Showtime

Max, may sama ng loob kay Ryan Bang? | It’s Showtime

🕒 7/21/2025, 5:08:05 AM671 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Max Collins#Ryan Bang#Anne Curtis#Vhong Navarro#Kim Chiu#Jhong Hilario#Neri#Will Ashley#It's Showtime#Showtime#ItsOkayShowtime#Breaking Muse#Karylle#Tyang Amy#Amy Perez#Darren Espanto#Ogie Alcasid#Jugs Jugueta#Teddy Corpus#Vice Ganda#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga#Ion Perez#Tawag Ng Tanghalan#TNT#Step In The Name of Love#Escort of Appeals#MASAsagot Mo Ba

Ngayong malakas ang ulan, sumilong muna sa init ng pagmamahal ng isang Kapamilya. Sa piling ng “It’s Showtime” family, ang bawat sandali feels comforting like a warm cup of coffee. 

Para gumaan ang pakiramdam, laro muna tayo, ‘yung masaya lang! May bagong segment na aabangan. “MASAsagot Mo Ba?” ang trivia questions sa game na ‘to? Kailangan lang maging street-smart dahil ang tanong ay tungkol sa mga maka-masa at ordinaryong bagay na nakikita sa araw-araw. 

Unang sumabak bilang players ang team ni Amy Perez, Vhong Navarro at Kim Chiu laban sa team nina Ogie Alcasid, Darren Espanto, at Anne Curtis. One on one ang labanan. At kung gustong sumagot, hilain lang ang string o ‘yung tali na pampara sa jeep. 

Hirit tuloy ni game master Jhong Hilario, huwag nang magpanggap sina Anne, Ogie at Darren, na hindi pa raw nakakasakay ng jeep. How true?! Pero don’t judge the team by it’s cover, dahil sina Anne pa ang unang naka-score! Thanks to this game, maraming natutunan si Anne tulad ng ‘shembot.’ Pero nakabawi ang Team VAK, and after three points, umabante sa jackpot round kung saan 50, 000 pesos ang pwede nilang maipon. 

Ma-perfect kaya nila ang sagot sa mga maka-masang katanungan? 

Bumabagyo sa labas pero pinainit ng “Breaking Muse” contestants ang studio. Sa angkin nilang confidence at ganda, paaapuyin nila ang puso mo. Pero, bago pa ang mainit na puksaan, sina Jhong at Vhong ang unang pinagpawisan. ‘Yong mga knock-knock jokes ni Board Member Max Collins, parang mas nakakakaba kaysa nakakatawa! Si Ryan Bang, tahimik lang sa umpisa, pero lumakas ang loob at ‘di napigilang bumanat kay Max! 

Hot na hot naman ang confidence ni Muse Patani, na nakilala noon bilang celebrity at host. Ngayon siya’y nagbabalik at siya na miso ang gumawa ng paraan para makapunta sa “It’s Showtime.” Nang dumating siya, naging runners-up na lang sina Kim at Anne sa larangan ng ganda. Pati si Board Member Will Ashley, na gustong manligaw, aba, pinapila!

Si Muse Kris, napagkakamalang Chinita Princess! Pero nawala ang princess-like poise at naging ‘wild’ nang sayawan ng ultimate crush niyang si Vhong Navarro. Kuys, lakas talaga ng karisma mo! 

Malakas na karisma rin ang ipinakita nina Patani at Kris sa talent portion. Nothing but good vibes and compliment ang naging komento nina hurado Max, Will, at Negi. Pero, teka, ang ganda ng ngiti ni Will at ang galing mag-hurado. Napatanong tuloy ang Showtime family kung sino ang yayakapin nito sa malamig na panahon. Hmm. Sino ang hula n’yo, Madlang People? 

Bumagyo naman ng talento sa entablado ng “Tawag Ng Tanghalan” Year 9.

Nagpasikat si Celine Pena ng Naic, Cavite, singing “Saving All My Love For You.” Nagustuhan ni hurado Dingdong Avanzado ang performance, pero payo nito, i-manage ang kaba para ‘di halata. 

This Is My Life” naman ang piyesa ni Mary Rose Blanes ng Sorsogon. “What a voice,” reaksyon ni hurado Marco Sison! Dagdag nito, gusto niya ang boses ni Mary Rose dahil buong-buo. 

Si Mary Rose ang umabante sa KanTapatan round kung saan inawit niya ang “Saan Ang Darating Ang Umaga.” Concert-like performance naman ang panlaban ng kababayan niya sa Sorsogon at defending champion Feby San Miguel, rocking the stage with “Hit the Road Jack.

It’s a tie! Pareho silang panalo. Si Feby ay kabilang na sa isa sa mga koponan, samantala, babalik si Mary Rose upang golden mikropono ay depensahan. 


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Max, may sama ng loob kay Ryan Bang? | It’s Showtime | Cheezmis