← Back to Home
Pinky, ipina-tattoo ang pangalan ng scammer na nakilala niya online | It’s Showtime

Pinky, ipina-tattoo ang pangalan ng scammer na nakilala niya online | It’s Showtime

Nakisaya sa special Saturday episode ang Pamilya De Guzman ni ‘Mowm’ Klarisse De Guzman and her anak-anakan Mika Salamanca (the panganay), Shuvee Estrata and Esnyr (the twins) and Will Ashley (the bunso) from “PBB Collab.”

🕒 7/19/2025, 5:48:58 AM454 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Step In The Name of Love#Aida#Pinky#Scam#scammer#tattoo#Dan#Men#Aga#Anne Curtis#Karylle#Jhong Hilario#Kim Chiu#It’s Showtime#Showtime#PamilyaShowtime#Vice Ganda#Ryan Bang#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ion Perez#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga#Breaking Muse#Escort of Appeals#Tawag Ng Tanghalan#TNT#

Keep safe, Madlang People! Safe na safe rin kayo sa piling ng “It’s Showtime” family na handa kayong pasayahin anuman ang weather. Nakisaya rin sa special Saturday episode ang isa pang beloved pamilya ng madla – ang Pamilya De Guzman ni ‘Mowm’ Klarisse De Guzman and her anak-anakan Mika Salamanca (the panganay), Shuvee Estrata and Esnyr (the twins) and Will Ashley (the bunso) from “PBB Collab.” 

Ang tanong: Sino ba talaga ang asawa ni Mowm? At sino naman ang paborito niya sa mga anak? Si Esnyr, nakahanap ng bagong mowm, ang kanyang tunay na kawangis. Sino pa ba? Walang iba kundi si Anne Curtis! Huwag ganyan, Esnyr, tuloy hindi ka napiling favorite daughter.  

Join din sa family reunion si Big Brother. Ay, teka, si KUYA nga ba, o si Jong Hilario ang nagsasalita?  

Dahil cuddle weather, may isang matchmate na longing for a new partner. Kilalanin natin si Pinky sa “Step In The Name of Love” kung saan ang mga senior mommies and daddies ay may chance upang muling makahanap ng spark.  

So lucky naman ni Tita Pinky! Ang mga hakbangers ay may kanya-kanyang ipagmamalaki. Present si Dan the singer, Men the action star, at Aga the dancer. Sana isa na sa kanila ang magbibigay sa kanya ng pagmamahal na pang-forever.  

‘Kota’ na kasi si Pinky sa heartbreak. Minsan siyang nabiktima ng love scam, matapos mapaniwala ng pekeng ‘afam’ na ang pangalan ay kanya pang ipina-tattoo. Pero matapos matuto, never na ulit siyang magpapa-uto. Mahilig siyang magluto, kahit sabi ni bestie Aida, minsan walang lasa ang putahe ni BFF niya.  

Masarap ang laban sa pagitan ng tatlong kalalakihan dahil iba-iba sila ng pwesto sa hagdan. Merong bumaba dahil sa tattoo ni Pinky, at meron din namang umakyat dahil nauunawan na kailangan niya ng pagmamahal.  

Nang makaharap ni Pinky ang tatlong lalake, pinili niya ‘yong mukhang mabait, hindi ‘yong ‘chickboy’ sa kanyang paningin. At si Dan, na sobrang gentleman, ang gusto niyang maka-date!  

Bumagyo ng talento sa “Tawag Tanghalan” Year 9 entablado.  

Humagupit ang malupit na talent ni Edgar Gabrillo ng Agusan del Norte, singing “Magmula Ngayon.” Idol niya si Ogie Alcasid, at sobrang starstruck sa beauty ni Anne Curtis. Sina Edgar at Anne, nag-enjoy sa kuwentuhan.  

Mula naman sa Camarines Sur, lumuwas si Nigi Requio para iparinig ang magandang boses na swak sa kantang “Hulaan” ni Janine Teñoso, na kumanta rin ng theme song ng pelikulang “Sid and Aya” ni Anne. Dahil diyan, ang Dyosa, ‘napagtripan’ at hiningan ng sample.  

Si Nigi ang umabante sa KanTapatan Round where she rocked the stage with “Alapaap.” Hinamon niya si defending champion Feby San Miguel na bumirit ng ‘The House of the Rising Sun.” 

Nadepensahan ni Feby ang kampeonato sa score na 94.3%, laban sa 92% ni Nigi.  

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Pinky, ipina-tattoo ang pangalan ng scammer na nakilala niya online | It’s Showtime | Cheezmis