Naging prestihiyoso ang “It’s Showtime” studio para sa first-ever AWAAARD red-carpet event kung saan nakatanggap ng ‘playtime’ parangal ang iconic moments sa programa.
Si Barbie Forteza ang isa sa mga main hosts kasama nina Ryan Bang at Jackie Gonzaga. Naging presenters sina Kyline Alcantara, Angeline Quinto, Chanda Romero, ex-"PBB Collab" housemates Ralph de Leon at Esnyr, veteran reporter Gus Abelgas, at mga komedyanteng sina Petite, Negi at Iyah Mina.
Mahigpit ang naging laban nina Vice Ganda at Kim Chiu para sa "Words of Wisdom Award" sa dami ng tumatak nilang quotable quotes. Pero dark horse sa category na 'to ang kaisa-isa at maikling entry ni Vhong, ang "Crush is paghanga," na nakakuha ng parangal. Kaya pabirong umapela si Vice at tinawag na "korapsyon" ang panalo ni Vhong.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime," Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.
