← Back to Home
Vice Ganda, araw-araw TINATALAKAN ng mga writers?! | It’s Showtime

Vice Ganda, araw-araw TINATALAKAN ng mga writers?! | It’s Showtime

Vice Ganda, araw-araw TINATALAKAN ng mga writers?! | It’s Showtime

🕒 12/18/2025, 4:52:51 AM300 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#1ts6ivingShowtimeAWAAARD#Vice Ganda#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Ion Perez#Ryan Bang#Karylle#Ogie Acasid#Teddy Corpuz#Jugs Jugueta#Amy Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez

Sa kauna-unahang "It's Showtime" AWAAARD na bahagi ng 16th anniversary celebration ng programa, na-senti si Vice Ganda nang tanggapin ang "Showtime Special Appreciation Award" para sa kanyang kontribusyon bilang isa sa mga utak at haligi ng programa. 

Sa kanyang acceptance speech, inialay ni Vice ang parangal sa mga behind-the-scenes staff, aniya, hindi mabubuo ang ipinapalabas nila kung wala ang masisipag na tao sa likod ng kamera. "Lahat tayo dito ay nagtrabaho nang lubos," sabi ni Vice. Dagdag niya, "Ang kultura talaga natin dito, anuman ang mangyari, kailangan makabuo tayo ng isang programang makapagpapasaya at makapagbibigay ng serbisyo sa mga madlang people. Gaano man kahirap ang sitwasyon, ipinipilit nating mairaos 'yan araw-araw."

"Ang matibay na pundasyon ng programang ito ay ang mga staff. Kayo ang unang dumadating sa studio, kayo rin ang huling umuuwi, umaabot pa ng madaling araw." Sabi pa ni Vice, malaking hamon sa kahit anong programa ang umere nang "live" anim na beses sa isang linggo. Kaya humingi siya ng paumanhin sa mga manonood kung may mga araw na pakiramdam nila ay "kulang" o inconsistent ang naipakita ng show. "Kailangan din nating kilalanin na ang mga staff at ang lahat ng bumubuo sa programa ay tao rin, napapagod din minsan kaya nagkakamali rin," sabi ni Vice. "Pero mapagod man ang utak at katawan namin, ang puso namin ay hindi mapapagod."

Nagbiro si Vice na madalas daw siyang talakan ng mga writers, pagkatapos ay humiling sa mga manonood at netizens, "If you can, please be kinder to the show. Please be kinder to the staff. Kasi minsan, pagod na nga sila, nasasaktan pa sa mga masasakit na salita na hindi n'yo masyadong nauunawan."

Good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime," Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, araw-araw TINATALAKAN ng mga writers?! | It’s Showtime | Cheezmis