← Back to Home

Abangan ang “Love is Never Gone” ng ABS-CBN ngayong 2026

Magtatambal sa unang pagkakataon ang Kapamilya stars na sina Joshua Garcia at Ivana Alawi para sa romance drama na “Love is Never Gone,” ang kauna-unahang Filipino teleserye na kinunan sa Morocco.

🕒 11/13/2025, 4:03:54 PM111 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Joshua Garcia#Ivana Alawi#Love is Never Gone#Filipino TV series shot in Morocco

Magtatambal sa unang pagkakataon ang Kapamilya stars na sina Joshua Garcia at Ivana Alawi para sa romance drama na “Love is Never Gone,” ang kauna-unahang Filipino teleserye na kinunan sa Morocco. 

Inanunsyo ito nitong Nobyembre 13 ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment sa isang video teaser kung saan ipinasilip na ang ilang mga eksena nina Joshua at Ivana na kinunan sa naggagandahang mga lokasyon sa Morocco. 



Bukod sa kaabang-abang na chemistry nina Joshua at Ivana, makikita rin sa naturang teaser ang tila mainit na komprontasyon ng kanilang mga karakter. 

Ipapalabas ang “Love is Never Gone” ngayong 2026. Iaanunsyo naman sa mga susunod na linggo ang iba pang mga detalye tungkol sa serye.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.