← Back to Home
Migo, pasok sa jackpot round matapos makipagpalit ng pwesto kay Darren | It’s Showtime

Migo, pasok sa jackpot round matapos makipagpalit ng pwesto kay Darren | It’s Showtime

Bago ang big reveal, pinagbigyan ni Darren si firefighter Migo na makipagpalit ng pwesto. at ito pala ang winning spot!

🕒 10/8/2025, 5:10:20 AM893 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Rescuers Laro Laro Pick#Rescuers Showtime#Migo#Migo Showtime#Migo Laro Laro Pick Jackpot#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Amy Perez#Karylle#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ryan Bang#MC#Lassy#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick Showtime#Showtime October 8

Dial “It’s Showtime” kung kailangan ng rescue mula sa lungkot at negative vibes. Ang Showtime family ang reresponde para i-revive ang happiness n’yo. Basta huwag kalimutan to think positive. Ang mga salitang bibitawan, dapat ‘yung matatamis lang parang sugar on your tongue. Remember, positive mind attracts a positive life. Ano nga ba ang pampa-good vibes ng Showtime family? ‘Yung iba, sapat na ang paghinga nang malalim. Si MC, masaya na basta may kanin.  

Good vibes at inspirasyon ang dala ng mga madlang emergecy responders at rescuers na naki-join sa “Laro Laro Pick” game arena. Sila ang mga hero natin tuwing may sakuna, mula paramedics hanggang firefighters at animal rescuers.  

Para naman sa madlang audience sa studio, sina Ion Perez, MC, Lassy at Darren Espanto ang kanilang pambato.  

Pambato naman sa dance floor ang fire and rescue officer na si Darwin. Ganyan nga kyah! Itodo ang paghataw para swertehin ka ngayong araw. Dance kung dance rin si Cla, isang ambulance medic. Pero sa likod ng mga ngiti ay pagsubok na tahimik niyang pinagdaraanan. Kapag nanalo siya, siguradong ang premyo ay mapupunta sa kapatid na may sakit.  

Si Kuya She naman ay isang ambulance responder na nag-a-asses sa mga pasyente. Aniya, sila ang mga frontliners na nagliligtas ng buhay kaya masakit sa puso kapag ang sarili nilang pamilya mismo ang hindi nila mailigtas. Katulad ng nangyari sa kanyang amang naaksidente, at wala nang buhay nang kanyang madatnan sa gitna ng daan. Nalugmok si Kuya She sa pagkawala ng ama, na ilang buwan niyang ipinagluksa. Pero sa tulong ng mga mapagmalasakit na  katrabaho ay unti-unti siyang nakabangon. Kahapon, opisyal na siyang bumalik sa field. Kaya naman si misis, na sinamahan pa siya sa studio, proud sa kanya at itinuturing siyang hero. 

Naalala ni Karylle ang tulong ng mga emergency responders noon sa daddy niya, kaya ngayong may pagkakataon siya, minabuti niyang magpasalamat sa kanila.  

Sa kanilang trabaho, crucial ang bawat segundo. Dapat mabilis, kaya maliksi rin ang kilos nila sa game arena. Syempre, mas lapitin ng swerte ‘yung energetic! Pagkatapos ng pilian ng kahon sa “Illuminate or Eliminate,” sa pabilisan mag-isip sa “It’s Giving” at kantahan sa “You Gotta Lyric,” nakarating ang players sa exciting round ng “PILImination” kung saan isang tube ang magkukulay orange ‘pag binuhusan ng likido. Bago ang big reveal, pinagbigyan ni Darren si firefighter Migo na makipagpalit ng pwesto. Ito pala ang winning spot!  

Sa “Laro Laro Pick” jackpot round, ikinuwento ni emergency responder Migo ang buhay bilang firefighter at kung paano siya napunta sa field na ‘to eight years ago. Bukod sa pagiging bumbero, isa rin siyang martial arts trainer ng mga kabataan. Dahil diya, nagpaturo ng basic self-defense si MC. Bumbero na, trainer pa! Double badge of honor, kaya deserve ni Migo na maging winner. 

Sa loob ng isang buwan, P13,500 ang kinikita niya bilang bumbero. Higit doble na diyan, P40,000 ang naging offer nina Vhong Navarro at Jackie Gonzaga sa “Li-Pot.” Pero positibo ang pananaw ni Migo, at sinugalan ang “Pot” question na nagkakahalaga ng P150,000.  

Sabi ni Migo, high school lang ang natapos niya pero paborito niya noon ang asignaturang Filipino sa eskwela. Sakto! Dahil ang tanong ay Tagalog term para sa “verb.” ‘Yun nga lang, medyo nakalimot si Migo, na nagkamali sa sagot niyang “pang-uri.” Kayo, Madlang People, alam n’yo ba ang tamang sagot dito?  

Hindi man nakuha ni Migo ang POT money, siguradong marami pang magagandang bagay at oportunidad ang naghihintay sa kan’ya dahil sa positibo niyang pananaw sa buhay. At bukas naman, P200,000 na ang laman ng Pot! 

Sa luntian, sa bughaw, o sa pula, kaninong pangkat ang aangat? Tuloy-tuloy ang pasiklaban sa Pangkatapatan round ng “Tawag Ng Tanghalan” Year 9.  

Nangunguna ang Pangkat Pula ni Mentor Nyoy Volante with two points. Pero hindi nawawalan ng pag-asa ang Pangkat Bughaw sa pangunguna ni mentor Mark Bautista at Pangkat Luntian na ginagabayan naman ni Bituin Escalante. Sa sobrang competitive ng tatlong mentors, biro ni Jhong Hilario, hindi na nagpapansinan ang mga ‘yan backstage! Pero sa totoo lang, healthy competition na lang ang kanilang pinaiiral at anuman ang maging resulta, proud ang tatlong mentors sa mga bata nila.  

Katulad sa naunang dalawang araw, ang pagkakasunod-sunod ng pagtatanghal ay base sa bunutan, samantalang diskarte naman ng mga mentors ang pagpili ng  pambato.  

Para sa Pangkat Luntian, ibinigay ni Bituin ang mikropono kay FJ Cortez, na nag-aalab ang passion sa pagkanta ng “Through the Fire.” Nagustuhan ni hurado Darren Espanto ang pag-soar ni FJ sa bandang dulo ng kanta.   

Naniniwala naman si Mentor Mark na sapat ang mahika ng tinig ni Lucky Nicole Galindez upang iahon ang kanilang grupo. “Narito Ako,” birit ni Lucky sa entablado, with her signature whistle notes. “Grand finals na ba?” tanong ni hurado Erik Santos, na pinuri ang storytelling ni Lucky, na tinawag pa niyang “gem in this competition.”  

Determinado naman si Aaron Lao na makasungkit ng three-peat win para sa Pangkat Pula, singing “7 Years.” Parang déjà vu dahil noong Kantapatan Round ay apat na beses naglaban sina Lucky at Aaron. Samantala, komento ni Punong Hurado Marco Sison, habang tumatagal ay mas lumalakas ang stage presence ni Aaron, at tama ang song choice nila ni Mentor Nyoy.  

Ang nakakuha ng pinakamataas na score sa araw na ito, 95%, ay si Lucky Nicole, kaya may one point na ang Pangkat Bughaw. Samantala, 93% naman ang nakuhang score ni FJ, at 91.7% ang kay Aaron.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Migo, pasok sa jackpot round matapos makipagpalit ng pwesto kay Darren | It’s Showtime | Cheezmis