← Back to Home
Jhong, tinulungan manawagan si Bingo sa kanyang mga anak | It’s Showtime

Jhong, tinulungan manawagan si Bingo sa kanyang mga anak | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 10/7/2025, 5:12:08 AM685 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Bingo#Bingo Showtime#Jhong Bingo Showtime#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Amy Perez#Karylle#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ryan Bang#MC#Lassy#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick Showtime#

Ngayong Tuesday, nawa’y ating i-choose na mag-unsubscribe sa negativities at i-follow lang ang good vibes and happiness for us to have a happy day!

Gaya na lang ng ating masisipag na madlang poultry at piggery workers na all smiles at give na give ang energy sa kanilang paglalaro sa “Laro Laro Pick”. Umpisa palang ay isang dance showdown na ang naganap sa pagitan ng tatlong players, na labis na kinaaliwan ng hosts at madlang audience.

Isa sa mga sumabak sa sayawan ay ang proud Ilonggo na si Nelsy, na nakipagkuwentuhan sa hosts tungkol sa kanyang trabaho bilang isang “medicator”, o tagaturok ng gamot at vitamins sa mga baboy sa isang piggery. Samantala, hindi naman mapigilan ni Tatay Bert, na isang poultry farm worker mula Concepcion, Tarlac, na maging emosyonal sa pagbahagi ng kanyang nakakaantig-pusong kwentong buhay sa mga host.

Masuwerte namang nakapasok sina Nelsy at Tatay Bert sa “It’s Giving” round, kung saan tinanong ang mga natitirang contestants tungkol sa iba’t ibang siyudad at munisipalidad sa lalawigan ng Laguna. Subalit kasama si Tatay Bert sa mga nalagas at bigong makatawid sa “You Gotta Lyric” round, kung saan hinulaan ng mga natitirang players ang missing lyrics sa “Ikaw Ang Aking Mahal” ng VST & Company.

Sa ikalima at huling round ng elimination round, ang poultry farm worker mula sa Cabuyao, Laguna na si Bingo ang nakakuha ng hinahanap na orange balloon at siyang naglaro sa jackpot round.

Sa panayam sa kanya ng hosts, ibinahagi ni Bingo na matagal na niyang hindi nakikita nang personal ang dalawa niyang anak sa kanyang unang partner. Ito ay sa kabila ng pagpapahintulot sa kanya ng pangalawa at kasalukuyan niyang kinakasama na makipag-ugnayan pa rin sa kanila. Kaya naman satulong ni Jhong, sinamantala na niya ang pagkakataon na maiparating sa dalawang anak ang kanyang mensahe.

Nagpamalas man ng tapang at lakas ng loob si Bingo noong una sa pagpili ng “POT”, ngunit bigla siyang tumiklop nang offeran nina Vhong at Jackie ng P35,000 na katumbas na ng tatlo at kalahating buwan niyang sweldo bilang isang poultry farm worker. Kaya naman bakas sa kanyang mukha ang panghihinayang nang malaman na ang jackpot question ay tungkol sa ibon na inspirasyon ng Filipino folk dance na “tinikling”, dahil alam niyang “tikling” ang sagot dito at marami nito sa Laguna.

Matapos na maunsyami ang unang sagupaan sa “Pangkatapatan” ng “Tawag ng Tanghalan”, sa wakas ay natuloy na rin ito ngayong araw!

Unang sumalang ang taga-Sorsogon na si Feby San Miguel ng Pangkat Bughaw, na nagpasiklab sa kanyang rendisyon ng “Cry Me A River” ni American jazz singer Ella Fitzgerald.

Sinundan siya ng taga-Davao de Oro na si Jay Mark Cadiwetan ng Pangkat Luntian na inantig ang puso ng lahat, lalo na ng kanyang mentor na si Bituin Escalante, sa kanyang pag-awit ng “Invisible” ni American artist Hunter Hayes.

Panghuli ay ang taga-Rizal na si Raquelle Macababat ng Pangkat Pula na nagpakitang-gilas sa kanyang pagbirit ng “How Am I Supposed To Live Without You” ni American singer Michael Bolton.

Sa pagtatapos ng kanilang tunggalian sa pinaka unang “Pangkatapatan” para sa ika-siyam na taon ng Tawag ng Tanghalan, si Raquelle ang nangingibabaw matapos na nakakuha ng pinaka mataas na markang 93.7%.

Samantala, si Feby ay binigyan ng mga hurado ng 91.3%, habang si Jay Mark ay nagkamit ng 90%.

Agad namang sinimulan ang ikalawang laban sa “Pangkatapatan”, kung saan pinili ni Mentor Mark Bautista ang medyo kapapanalo lang na si Vincent Quinn ng Sorsogon para maging pambato ng Pangkat Bughaw. Si Kent Villarba naman ng Cebu ang isinalang ni Mentor Nyoy Volante para sa Pangkat Pula, habang si Almaerra Recentes ng Zamboanga del Norte ang pinili ni Mentor Bituin Escalante para sa Pangkat Luntian.

Sa pagtatapos ng ikalawang sagupaan, nasungkit ng Pangkat Pula ang kanilang ikalawang puntos matapos na makuha ni Kent ang pinaka mataas na markang 95.3% para sa kanyang rendisyon ng ““The Ones We Once Loved” ng Ben&Ben.

Si Almaerra naman ng Pangkat Luntian ay nagkamit ng 93% para sa performance niya ng “A Change Is Gonna Come” ni Sam Cooke, habang si Vincent naman ng Pangkat Bughaw ay naka-iskor ng 98.3% mula sa mga hurado.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Jhong, tinulungan manawagan si Bingo sa kanyang mga anak | It’s Showtime | Cheezmis