Madlang People, birthday nina Jackie Gonzaga and Lassy! Nagpa-reserve na sila ng isang espesyal na date kung saan imbitado tayong lahat. Ang venue, dito sa "It's Showtime" at pagsasaluhan natin ang full serving of good vibes. Ang wish daw ni Lasy, magkpalit sila ng mukha ni Jackie?!
Hindi lang birthday nina Jackie at Lassy ang ipinagdiriwang natin. Dahil ang "It's Showtime" anniversary celebration, extended din sa pagbisita ni Billy Crawford! Dahil present si Billy, muling nabuo ang power dance trio nila ni Vhong Navarro and Jhong Hilario. At mula sa puso, nagpahayag si Billy ng isang very sincere anniversary message for his "It's Showtime" family.
Sila'y mga nagtatrabaho sa himlayan pero buhay na buhay ang kanilang pag-asa na mahuhukay nila ang swerte sa "Laro Laro Pick" game arena. Sila ang mga sepulturero at caretaker sa sementeryo na sumalang sa laro.
Umpisa pa lang ay may pa-regalo ni si Vice Ganda, na nag-alok na ipagawa ang ngipin ni Bong, isang sepulturero at caretaker na rin sa sementeryo. Nakatira na siya sa binabantayang mauselo at fifteen years na sa ganitong trabaho pero never siyang naniwala sa mga multo.
Kinilala rin ni Vice Ganda si Dudong, na 19 years old lamang nang magsimulang maging sepulturero. So humble ng puso at pananaw ni Dudong sa buhay. Aminadong dinala lamang siya ng sitwasyon sa ganitong trabaho, no choice 'ika nga, pero hindi niya ito ikinakakahiya. Bonus na lang daw ang porma at magmukhang gwapo, basta ang importante ay kumikita ng pera at may maayos na trabaho. Tanong ni Meme, iiwan ba ni Dudong ang pagiging sepulturero kung sakaling may dumating na bagong oportunidad, sabi ni Dudong ay ito pa rin ang pipiliin niya.
Napaisip si Meme. Hindi nga naman natin ma-imagine ang mundo na walang mga sepulturero. Pero para kay Steve, walang sepulturero na yumayaman dahil sa liit ng kita at unstable pa ang pagdating ng raket. Vice acknowledged na hindi madali ang ginagawa ng mga sepulturero at nakakaawa rin ang sitwasyon nila dahil hindi tulad sa ibang bansa, dito, ang mga sepulturero ay hindi nabibigyan ng angkop na benepisyo. Kaya hiling niya, sana ay guminhawa ang sitwasyon ng lahat ng mga manggagawang Pinoy na nabubuhay nang dahil sa mga patay.
Hindi tulad ng mga kasamahang sepulturero at caretaker na sa himlayan lang umiikot ang hanapbuhay, si Joms naman ay sideline lang ang pagiging caretaker sa isang sementeryo. Isa rin siyang mototaxi driver.
Dahil birthday ni Joms today, itinodo nina Vice Ganda ang Li-Pot offer sa P30,000, na agad namang tinanggap ni Joms dahil malaking tulong na para sa kapatid na may sakit.
Good decision dahil nang basahin ni Meme ang tanong, "Sa 2004 horror film na ‘Feng Shui’ na pinagbidahan ni Kris Aquino, may babaeng karakter mula sa Tsina na may maputing mukha, naka-belo at maliliit at baluktot ang mga paa na naglagay ng sumpa sa isang bagua. Sa anong tawag o pangalan kilala ang karakter na ito?" aminado si Joms na nakalimutan na niya ang pelikula.
Madlang people, alam n'yo ba ang sagot? At dahil hindi sinugalan ni Joms ang POT, mananatili ito sa halagang P100,000.
Nakakapanindig-balahibo ang pagpapatuloy ng bakbakan sa pagitan ng Pangkat Luntian members sa "Tawag Ng Tanghalan" Year 9.
Sa araw na ito, tatlong guwapo ang nag-face off sa etablado. Struggle para kay mentor Bituin Escalante na panooring isa-isang nalalagas ang kanyang grupo pero pangako siya sa mga nauna nang na-eliminate, mananatili siyang mentor at kaibigan nila sa labas man ng tanghalan.
Naghasik ng bagsik sa pag-awit si Anthony Dal, pouring his heart in his "I'd Rather Go Blind" performance. Patuloy na lumalaban si Anthony sa kabila ng sakit na leukemia. Last week nga lang ay isinugod siya sa ospital sa kalagitnaan ng kanyang preparation. Kaya sa pagpapatuloy niya sa competition, hatid niya'y inspirasyon. Si Jhong Hilario, nag-volunteer, handang tumulong sa anuman ang pangangailan ni Anthony sa kanyang gamutan. Dahil na-inspire siya bilang ama, watching Anthony fight with all his heart para sa mga anak. Komento naman ni hurado Jed Madela, napakaganda ng raspiness ng boses ni Anthoy, as well as his resilience.
"Writings On The Wall" naman ang ibinirit ni Jay Mark Kadiwetan. Kung maaalala, matagal nawalay si Jay Mark sa ama, at nasaksihan pa nga sa TNT stage ang reunion nila. Dahil sa magagandang pangyayari sa buhay at karera, puno ng pasasalamat ang puso ni Jay Mark. Nang magsalita si hurado Bily Crawford, pinuri muna nito ang mentoring ni Bituin, pagkatapos ay nagbigay ng tip kay Jay Mark para hindi maubusan ng hangin habang kumakanta.
Humugot din si Kent Villarba, singing "Oks Lang" by John Roa. Para kay Punong Hurado Marco Sison, ramdam ang emosyon ni Kent kaya pagkatapos ng pagtatanghal niya sa entablado, napa-standing ovation ang mga hurado.
Mabigat sa puso ang bawat tanggalan moment pero sabi nga, it's all part of the game. Sina Kent at Jay Mark ang Top 2 scorers sa araw na ito, garnering 97.3% and 94.35%, respectively. Samantala, si Anthony ay nakakuha ng 93% at nagpaalam na sa tanghalan.
