← Back to Home
Lea, nabigo na maiuwi ang jackpot prize sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Lea, nabigo na maiuwi ang jackpot prize sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 10/30/2025, 6:35:29 AM700 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Lea#Lea Showtime#Lea Laro Laro Pick#Lea Laro Laro Pick Jackpot#Laro Laro Pick Jackpot#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Amy Perez#Karylle#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ryan Bang#MC#Lassy#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick Showtime#Showtime October 30

Peek-a-boo! Nagpaparamdam na ba ang mga bayarin at deadline? O baka naman minumulto ka ng feelings mo kay ex na hindi mo makalimutan? Hindi na kailangan pa ng espiritista. "It's Showtime" family na ang bahalang magtaboy ng negative vibes at masasamang elemento. Daanin na lang sa tawa at happiness, siguradong tatakbo palayo ang multo.

Walang tricks pero merong treat. Isang hugot kantahan ang treat ng resident banda ng programa, Six Part Invention, para sa mga nasaktan at nagmo-move on.

Hirit ni Vice Ganda, kung ang kanta ng Six Part Invention ay "Wasak na Puso," baka pwedeng gawan ng kanta si Lassy, at ang title, "Wasak na Mukha?" Eme!

Ito ang walang halong eme. Si Meme, super proud sa Six Part Invention, na palaging maaasahan ng show pagdating sa kantahan. Kaya deserve nila na muling maglabas ng sarili nilang musika.

Boo-boo-laga ang malaking papremyo kapag swerte ay tumama sa isang sari-sari store owners na sumalang sa "Laro Laro Pick" game arena. Sa araw na 'to, baik sa P100,000 ang POT money. Para naman sa madlang audience sa studio, sina Teddy Corpuz, Ion Perez, Cianne Dominguez at MC ang representative nila sa laro.

Kinilala ng hosts si sari-sari store owner Bebot, na 14 years nang nagtitinda. Ito ang bumubuhay sa kanila bagama't madalas bakante ang tindahan dahil tinutustusan din ni Bebot ang gamutan ni mister. Noong 2021 nga ay tuluyan nang tumigil si mister sa pagpapagamot sa isa nitong sakit dahil hindi na kayang sustentuhan ni Bebot. Bago pumunta sa studio, namroblema si Bebot dahil naubusan ng maintenance si mister. Kaya laking tuwa ni Bebot dahil may P1,000 pesos agad siya bago pa man magsimula ang laro.

Si Vangie, 24 years nang nagpapatakbo ng sari-sari store. Ang motto niya, "Bawal ang utang." Solo parent si Vangie, at dahil sa kanyang sari-sari store, malapit na niyang mapagtapos ang nag-iisang anak. Nakilala rin natin si Lorna na malaki rin ang problema. Kapag nanalo siya, uunahin niyang bigyan ng magandang bahay ang pamilya.

Sa "Illuminate or Eliminate" round, kahon na may berdeng ilaw ang kailangan nilang mapili para sa pagkakataong umabante sa "It's Giving," kung saan ang category for today ay mga artistangg madalas gumanap na nanay sa teleserye ayon sa isang article. Sa "You Gotta Lyric," kailangan lang punan ang nawawalang lyrics sa kantang "Minsan Lang Kita Iibigin." Uy, si MC, relate sa kantahan. Pumapag-ibig nga ba?

Mukhang inspired at sinusuwerte si MC dahil isa siya sa tatlong natirang players sa PILImintaion round. Almost! Dahil ang star sa giant scratch pad, lumitaw para kay sari-sari store Lea.

Sa "Laro Laro Pick" jackpot round, gusto ni Lea na maging matalino sa pagpili para sa kapakanan ng dalawang anak na pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral. Katuwang naman ni Lea ang asawang electrician sa pagtataguyod ng kanilang pangangilangan.

Para sure na may maiuwi sa pamilya, naging praktikal si Lea at pinili ang P30,000 offer sa "Li-Pot." Good choice dahil nang subukan ni Jhong Hilario na ipasagot sa kanya ang tanong, "Sa Roman mythology, sino ang God of War?" mali ang hula niyang si "Zeus."

Sa pagpapatuloy ng isa laban sa isa na bakbakan ng Pangkat Luntian sa "Tawag Ng Tanghalan" Year 9, pinili ni mentor Bituin Escalante sina Noielle Rodriguez, Angelica Magno, at Leira Reynes na mag-face off sa araw na 'to.

"Stand Up" ni Cynthia Erivo ang ibinirit ni Noielle sa entablado. Birthday niya today. Tuparin kaya ng universe ang birthday wish niyang manalo? Para kay hurado Marco Sison, unique ang boses ni Noielle pero ang ending ng kanta parang "out of her range."

Kakaibang tunog naman ang ibinigay ni Angelica sa OPM hit na "Magasin." Komento ni hurado Billy Crawford, malinis kumanta si Angelica at interesting ang song choice.

Ganito rin ang komento ni hurado Jed Madela kay Leira na kinanta naman ang "Wings." Sabi ng hurado, naipakita ni Leira ang range, power, at clarity sa performance.

Si Angelica ang nanguna sa laban, with 94.3% na grado. Si Leira naman ang nasa ikalawang pwesto, with 91.3%. Samantala, laglag sin Noielle na nagtala ng 91% na score. Ramdam ang lungkot ng Pangkat Luntian sa pagkakatanggal ni Noielle. Kung matatandaan, si Noielle ang nagsalba noon sa grupo sa three-way battle sa pagitan ng Luntian, Bughaw at Pula.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Lea, nabigo na maiuwi ang jackpot prize sa Laro Laro Pick | It’s Showtime | Cheezmis