October na! Bagong buwan, bagong simula! Pag-asa’y dumarating, kahit minsan akala mo nawawala. Kahit may bigat sa puso at minsan hirap bumangon, October reminds us tuloy ang laban, carry on!
Tuloy ang laban sa katiwalian, kasabay ng panalanin para sa mga kababayan nating biktima ng bagyo at lindol. Madlang People, isang paalala, alagaan natin ang isa’t isa.
Ngayong Miyerkules, mga manikurista naman ang tutulungan nating makaahon at masilayan ang bagong pag-asa, ang buhay na mas magaan at mas masaya. Masisipag na manikurista ang bida sa “Laro Laro Pick” game arena.
Sunod-sunod ang panalo ng madlang players. Kaya sigaw ng studio madlang people, “Sana all.” Ang swerte ng studio audience, nakasalalay kina Teddy Corpuz, Ion Perez, Darren Espanto at guest co-host Bianca Umali. Simula raw nang unang maglaro si Bianca sa game arena, puspusan na ang pagre-review niya para ready kung sakaling marating niya ang jackpot round. Dahil sa oras na siya ang umabot sa jackpot, siguradong pipiliin niya ang POT, anuman ang tanong na sa kanya’y matapat. Siguro huwag lang tungkol sa mga kanta, kasi baka magka- déjà vu at maulit ‘yung viral na maling lyrics niya ng “Mula Sa Puso.”
Mula sa puso rin ang yakap ni Vice Ganda kay Nanay Olive, ang manikuristang kinaaliwan niya dahil sa positibo nitong awra. Kuwento ni Nanay Olive, natutunan niya ang mani-pedi sa subject noon na H.E. o Home Economics sa eskwela. Hanggang sa kinarir na niya ang pagiging manikurista, na siyang nagtataguyod sa pag-aaral ng anak na criminology student.
Teka, kuwentuhan lang naman ‘to, ‘di ba? Si Meme kasi ay nalilito kung ano bang ganap for today’s video. Magho-host nang masaya sabay biglang manggigigil at manlalaki ang mata. Same, Meme. Nakakagigil naman talaga ang mga nakawan at taguan na nangyayari sa bansa.
Laro na nga lang tayo para ma-attract ang GV! Uy, si Darren mukhang sinusuwerte! Sobrang rare moment ‘yung umabot siya sa PILImination. Dito, kanya-kanyang pili ng lantern ang natitirang players, at isa sa mga lantern ay iilaw ng green, na napili ni Jhaine kaya siya ang umabante sa jackpot round. Sana palarin si Jhaine!
Sa jackpot round ng “Laro Laro Pick,” nagpamalas ng tapang at paninindigan ang manikuristang si Jhaine mula Cainta, Rizal. Isa siyang solo parent, sole breadwinner na nagsimulang itaguyod nang mag-isa ang dalawang anak matapos pumanaw ang asawa noong pandemya.
Stay-in siya sa parlor na pinagtatrabahuan, at pati mga anak ay doon na rin nakatira. Dahil sa nangyari sa kanilang padre de pamilya, nagkaroon ng depression at anxiety ang mga anak niya. Kaya bilang tulong, nangako si Vice Ganda na ilalapit ang mga anak ni Jhaine sa resident psychologist ng programa.
Bilang solo parent na may matinding pangangailangan, si Jhaine, sumugal at pinili ang POT na katumbas ng P100,000. Tinanggihan niya ang P30,000 offer sa Li-POT. At ang question of the day: “Ano ang title ng cartoon series na pinagbibidahan ng mga characters nina Bubbles, Buttercup at Blossoms?” Sakto! Kilala niya ang trio dahil muntik na niyang ipa-tattoo ang isa sa mga ito. Kinabahan nga lang ang mga tao sa studio dahil ang sagot ni Jhaine ay “Powerpuff Girls” pero ang kumpletong titulo ng cartoon series ay “The Powerpuff Girls.” Hanggang sa lahat ay naghiyawan sa tuwa dahil tinaggap na rin ni Meme ang sagot ni Jhaine.
Congrates, Jhaine! Sa’yo na ang P100,000! Isang Pilipino na naman ang naipanalo ng POT!
Ang pangarap, walang expiration date. Kaya ‘pag nadapa sa unang subok, bumangon ka lang and try and try. Dahil ang totoong panalo ay ‘yung hindi sumusko, katulad ng mga nagbabalik na contenders sa Resbakbakan round ng “Tawag Ng Tanghalan Year 9.”
Sa edisyong ito, 14 contenders ang muling tutuntong sa TNT stage para sa isa pang pagkakataon na mag-perform at makapasok sa finals. Nagbunutan na ang 14 resbakers ng araw kung kailan sila magtatanghal.
Ngayong Miyerkues, ang unang tatlong resbakers na umawit ay sina Claudia Eliver ng Negros Occidental, Ameka Manalo ng Olongapo, at Cherry Gozun ng Pampanga.
Unang sumalang si Claudia na ‘di nagpakabog sa pagkanta ng “Amakabogera” ni Maymay Entrata. Para kay hurado Bituin Escalante, masarap panoorin ang performance dahil nagre-reflect ang confidence ni Claudia habang kumakanta.
Para naman kay hurado Mark Bautista, resbaker Ameka reminds him of Sitti Navarro. OPM classic meets bossa nova feels, ay bongga! Clear vocals ang strength ni Ameka, pero, honest comment ng hurdo, hinanapan niya ng more ‘power’ ang pagkanta nito ng “Pangarap Na Bituin.”
Feel-good naman ang performance ni Cherry, singing the Michael Buble hit “Feeling Good.” Hurado Nyoy Volante liked that Cherry just let go, natural lang ang bawat birit at galaw sa entablado.
Sa araw na ‘to, si Claudia ang wagi matapos makakuha ng 95% total score mula sa mga hurado.
