← Back to Home
Magsasaka na si Gerry, takot na hindi niya mapagtapos ng pag-aaral ang anak dahil sa kahirapan | It’s Showtime

Magsasaka na si Gerry, takot na hindi niya mapagtapos ng pag-aaral ang anak dahil sa kahirapan | It’s Showtime

Magsasaka na si Gerry, takot na hindi niya mapagtapos ng pag-aaral ang anak dahil sa kahirapan | It’s Showtime

🕒 9/30/2025, 5:37:48 AM758 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeSeptemGRRR#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Gerry#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Amy Perez#Ogie Alcasid#Karylle#Bianca Umali#Jugs Jugueta#Ion Perez

Magtanim ay ‘di biro. Ang buhay ng magsasaka, puno ng pawis, puno ng tyaga. Sa bukid, bawat butil at bunga ay pinaghihirapan, kaya saludo tayo sa kanilang walang sawang pakikipaglaban.

Ang mga itinanim nila, pagkain sa ating mga mesa. Sana sila rin ay palaging busog, hindi man sa yaman, kundi sa pagmamahal at pag-asa. Pero ngayon, pahinga muna sa init at pagod sa pag-aararo. Dito muna sila sa “Laro Laro Pick” game arena sila maglalaro.

Sa kasamaang palad, ilan sa magsasaka players ay hindi na umabot sa call time dahil sa layo ng bukid na pinanggalingan, dagdag pa ang pasakit na dulot ng baha. Kaya bukod sa na apat na “It’ Showtime” host players na maglalaro para sa madlang studio audience, limang hosts pa ang kasali sa game arena. Kung sakaling isa kina Ogie Alcasid, Jugs Jugueta, Amy Perez, Jackie Gonzaga at Karylle ang makarating sa final game, bubunot ng isa sa mga eliminated magsasaka players na kanilang makakapares.

May 1k sa pangalan ni Mang Tony. Ang tawag sa kan’ya ay Tony 1k dahil sa nakapulupot na pusod noong ipinanganak siya. Pero, ang totoo’y hirap siyang kumita ng pera, dahilan para maapektuhan ang pag-aaral ng anak. Kasama niya sa studio si Gem, na nangakong magsisikap para mabili ang lupang kinatatayuan ng bahay ng kanilang pamilya. Alas tres pa lang ng madaling araw ay nasa bukid na si Mang Tony. Pero sa kabila ng sipag ay kulang pa rin ang naitatanim at naaani dahil sa kakulangan ng mga imprastraktura na dapat ay ipinagkakaloob ng gobyerno.

Sabi nga ni Vice Ganda, walang maipipintas sa kakayahan at sipag ng magsasakang Pinoy. Skilled sila, at nagsisikap. Pero sadyang kailangan din nila ng tulong, na hindi naibibigay ng mga opisyal o kagawaran na dapat umaalalay sa kanila.

Nilapitan ni Vice si Tatay Eddie, na bakas sa balat at katawan ang araw-araw na hirap sa bukid. Ang mga kamay niya, pagod na pagod na. Sabi ni Meme, kung hindi ka nahahabag sa kapwa mo Pilipino, lalo na sa mga maliliit na tao tulad ng mga magsasaka, baka konsensya mo na ang problema.

Hirap man sa buhay, nakukuha pa rin nilang ngumiti, katulad ni Nanay Veron. Hindi niya mapaayos ang ngipin pero nanantiling masayahin. Game siya sa acting challenge at sweet moments with Vhong Navarro. Nose to nose ba kamo? Go, Nanay Veron and Vhong! At para mas tumamis ang ngiti ni Nanay, sagot na ‘yan ni Vice.

Si PILImination round, limang players ang natira kabilang sina Karylle, Lassy at ang magsasakang si Tatay Eddie. Pero ang swerte ay dumapo kay magsasakang Mang Gerry.

Umabante sa final game si Gerry, na malungkot daw ang ani dahil sa mga bagyo at pagbaha. ‘Di napigilang ‘manggigil’ ni Vice Ganda, aniya, napakalayo na ng narating ng korapsyan sa flood control projects. Sa hirap ng buhay, napilitang tumigil sa pag-aaral ang isang anak ni Mang Gerry. Gayunpaman, hindi siya nawawalan ng pag-asa.

Nang piliin ni Mang Gerry ang POT question na nagkakahalaga ng P200,000, naging generous si Meme at nagbigay ng clue sa tanong na, "Sa kantang Bahay Kubo, anong halaman ang pinakahuling binabanggit?”

Lahat ay nagbunyi dahil si Gerry, may P200,000 na maiuuwi. Isang ordinaryong Pillipino na naman ang panalo sa araw na ‘to. Para bang nakaguhit na sa palad ni Gerry ang pangyayaring ‘to. Kuwento niya, muntik na siyang hindi umabot sa call time.

Talagang ‘pag ipinagkaloob ng langit, makakamit nang hindi pinipilit. Saludo tayo kay Mang Gerry at sa lahat ng magsasakang Pilipino!

Aani ng panalo ang golden tinig na mananaig sa “Tawag Ng Tanghalan” Year 9.

Ang nagbukas ng entablado, nagmula pa sa Laguna. Si Bernadette Ramos ang unang nagpabida, singing the Parokya Ni Edgar classic “Harana” pero bago sa panlasa. Good performance, sabi ni hurado Ogie Alcasid. Dagdag niya, sana mas nilagyan pa ng paandar tulad ng scatting.

Isa pang binibini ang nagpa-impress sa tanghali. Mula Imus, Cavite, bitbit ni Janelle Landero ang talento, singing “Kailangan Kita.” Komento ni hurado Jed Madela, skilled si Janelle sa high notes pero bahagyang sumasayad ang low notes. Payo niya, huwag masyadong teknikal ang atake para maramdaman ang puso niya sa pag-awit.

Sa Kantapatan round, si Bernadette ang muling umawit. Umasang mapapataob ang defending champion, hinarana niya ang mga hurado sa kantang “Just the Two of Us.” Pero hindi papayag si Christina Tandogon na maagaw sa kanya ang golden mikropono. “Kunin Mo Na ang Lahat Sa Akin,” birit niya sa tuktok ng entablado.

Sa huli, si Christina ang wagi. Siya ang bumuo sa ikatlong koponan.

At dahil kumpleto ng ang tatlong grupo, magsisimula na bukas ang resbak round.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Magsasaka na si Gerry, takot na hindi niya mapagtapos ng pag-aaral ang anak dahil sa kahirapan | It’s Showtime | Cheezmis