← Back to Home
BINI Aiah at Jhoanna, sinayaw ang request ni Bela | It’s Showtime

BINI Aiah at Jhoanna, sinayaw ang request ni Bela | It’s Showtime

🕒 12/14/2024, 4:42:16 AM448 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Cianne Domiguez#Argus#Kulot#Lucas#Jaze#Imogen#Darren Espanto#Bela Padilla

Oh, shux! Dalawang BINI members ang bumisita para makihula. Kumasa ang JhoAiah sa challenge ng pagkilatis sa “And The Breadwinner Is.” Their face cards never decline, ganu’n din kaya ang galing nila sa larong ito, o sila’y sasablay?  

Ang plot twist, kung sino pa ang hindi nag-perform well, siya pala ang tunay na breadwinner kasambahay. 

Si Breadwinnable 3, kahit may sariling pamilya na, hindi alintana ang pagod sa pagkayod para sa mga kapatid at pamangkin. Responsibilidad ay pinasan sa balikat nang magulang nila ay pumanaw. Paano nga  ba hahatiin ang maliit na sweldo para sa buong pamilya? Laging bukas ang kan’yang puso at palad sa pagbibigay, kaya hindi rin madamot sa kan’ya ang langit. Bukod sa nakakaraos sa pang-araw-araw, winner din siya sa partner na handa siyang unawain at mahalin forever. 

Si Breadwinnable 3, graduate ng IT. Pero bakit mas pinili n’yang maging kasambahay at manatili sa tahanan ng mga amo na isang dekada na n’yang pinagsisilbihan? 

Talent sa singing ay magniningning, pero isang bituin lang ang mananatili hanggang dulo. Siguradong huling-huli nila ang bilib mo! Panoorin ang naging ‘34th Prelims’ bakbakan sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Abot-langit ang determinsayon ni Batangas State University student Zeus Matibag na abutin ang mga “Tala.” Sa pag-awit n’ya ng hit ni Sarah Geronimo, sisikapin na mapasakamay n’ya ang kampeonato.

“Anyone,” birit ni Jan Marie Manato sa entablado. Bitbit ang bandera ng Stella Maris Academy, pinahanga niya ang marami. 

Ihanda ang puso sa mapanakit na performance ni Pia Carandang ng Tanauan City Integrated High School ng “Sana Maulit Muli.” Siguradong paluluhain ka ng kan’yang pagkanta. Si hurado Ogie Alcasid, napatayo sa paghanga. 

Kakaibang flavor ang inihain ni Lady Shane Villegas ng Pamantasan ng Lungsod ng San Pablo. Dahil sa performance ni Lady Shane, “Lord Patawad” ni Bassilyo ay mas tatagos sa’yong puso. 

Na-torn man nang bahagya ang mga hurado sa kan’yang pagtatanghal, lumaban pa rin hanggang dulo ang pambato ng Central Philippine University, si Shyra Asister na kinanta ang “Torn.”

Matapos ang matinding bosesan sa tanghalan, si Pia ang umangat sa laban, with a total score of 96.3%.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.