MAYNILA — Sa gitna ng saya at kaba bago ang Pinoy Big Brother ColLove Fancon sa Araneta Coliseum noong August 10, nakatulong sa paghahanda ng celebrity housemates ang kani-kanilang pre-show rituals.
Pabirong ibinahagi ni Shuvee Entrata na pati ang kilikili niya nakakaranas umano ng kaba, kaya’t binabalikan niya ang kanyang “core” na kausapin ang pamilya para humugot ng lakas.
Nakikinig naman ng motivational at Christian songs si Mika Salamanca para mapakalma ang sarili.
Ang ilang housemates naman gaya ni Ralph De Leon, nagdarasal at nagvi-visualize ng buong performance para maging handa.
Ayon sa eksperto, normal ang kaba at senyales ito ng paghahanda ng katawan para sa hamon ng entablado o pagharap sa maraming tao.
Pero para sa housemates, pinaghuhugutan nila higit sa lahat ang suporta nila sa isa’t isa, na nagbibigay ng kumpiyansa upang mapawi ang takot at maibigay ang buong puso sa bawat performance.
– Ulat nina Kaxandra Salonga at Agatha Gregorio, Patrol ng Pilipino
Video edited by Kaxandra Salonga
Klarisse de Guzman: PBB ‘best platform’ para mag-come out
'Nagkaroon ako ng character development!': Fyang Smith sa pagiging ‘PBB’ housemate
PANOORIN: ‘Hugot Mo Sagot Mo’ featuring ‘PBB Celebrity Collab Edition’ Kapamilya Big 4

