Mahigit 5 dekada na sa pag-arte ang beteranang aktres na si Chanda Romero.
18 years old siya nagsimula sa showbiz. 1972 nang una siyang lumabas sa pelikulang “Ang kundoktora’ na pinagbidahan ng premyadong aktres na si Vilma Santos.
Kwento nya,” when I did my first scene, I did not feel nervous. I was just so confident na parang, okay, if I need to do this, i'll do.”
Pero bata pa lang, may kakaiba na raw sa kanyang mga pananaw, “I was always precarious talagang wide-eyed, very perceptive, yung pinag-uusapan ng mga grown-ups, I get wind of how it, what it was about even if it wasn't said clearly.”
Pinatunayan ni Chanda sa hindi na mabilang na mga pelikula ang kanyang husay sa pag-arte. Iba’t ibang awards na rin ang kanyang nakamit.
Sa ngayon, hindi inasahan ni Chanda ang pagkatok ng panibagong pagkakataon na umarte sa isang proyekto. Sa seryeng FPJ’s Batang Quiapo, binibigyang-buhay niya ang karakter ni Vice Mayor Olivia Guerrero-Torres.
Para kay Chanda, “the role is so exciting. She's a rich politician. I have a misogynistic father, who believes that women have no position in politics. So, you see the character trying to own things that she couldn't get and getting that approval every in the way.”
“I am overwhelmed. And so, overly happy. Each day that comes to me, the new scenes, the new twists of the plot is always fresh, whoa, how far, has this character gone?” dagdag pa niya.
Napapanood ang FPJ’s Batang Quiapo gabi-gabi sa Kapamilya Channel, TV5, at A2Z
Ulat ni Bernadette Sembrano para sa programang Tao Po. (July 12, 2025)
Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito.
