← Back to Home
Teddy Corpuz proud sa pagtatapos ng anak na si Abby

Teddy Corpuz proud sa pagtatapos ng anak na si Abby

Masaya si Teddy Corpuz sa pagtatapos ng anak sa senior high school.

🕒 5/27/2025, 2:58:04 AM423 wordsEN

Clarence Roi Gillego

#Teddy Corpuz#Angelica Phoebe Corpuz#Jasmine Corpuz#Graduation#It's Showtime#Rocksteddy#Celebrity#Showbiz#Entertertainment

Masayang ibinahagi ni It’s Showtime host Teddy Corpuz ang matagumpay na pagtatapos ng kaniyang anak na si Angelica Phoebe o Abby sa Senior High School.  

 “Proud parents lang kami,” saad ni Teddy sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Mayo 25.  



 Nagtapos si Abby sa Humanities and Social Sciences strand ng Ateneo de Manila University, at nagkamit ng “Unang Karangalan.” 

 Ayon kay Teddy, iba ang kagalakang hatid ng tagumpay ng anak para sa kanila ng kaniyang non-showbiz wife na si Jasmine.  

 “’Yung makita ang anak mo na may takot sa Diyos, mapagmahal sa pamilya at kapwa, at ‘yung makita sila na mag-shine, masaya, and mag-excel sa field na gusto nila ay sobrang nakakataba ng puso at fulfilling,” saad niya.  

 “Sabi talaga namin ni @itsjhazmine 'Thank you Lord, to God be the glory,'” dagdag pa niya. 

 Sa parehong post, isinaad ng Rocksteddy frontman na kampante silang mag-asawa sa tatahaking landas ng anak.  

 “We are so proud of you Abby and as your parents we are so secured and confident that you’ll be amazing in everything you will pursue,” saad niya.  

 “Congrats anak! We love you so much,” dagdag pa niya.  

 Sa nasabing post, ibinahagi ni Teddy ang ilan sa mga larawan at videos na kuha mula sa graduation ng anak, kabilang na ang mga larawang tampok ang mga kaibigan nito. 

 Napuno naman ito ng mga pagbati mula sa mga netizens at sa kaniyang kapwa celebrities. 

 Kabilang sa mga nagpaabot ng pagbati ay ang ilan sa kaniyang mga kasamahang hosts sa It’s Showtime na sina Ryan Bang at Cianne Dominguez, pati na rin ang dating host na si Eric “Eruption” Tai.  

 Ilan pa sa mga kilalang personalidad na bumati ay sina Isabel Oli, beauty queen na si Nicole Cordoves, at si Tanya Baustista, ang asawa ng kaniyang kasamahan sa programa na si Vhong Navarro.  

 Noong 2017, ginulat ni Teddy ang mga tagasubaybay ng It’s Showtime matapos nitong pakasalan ang asawa sa pangalawang pagkakataon sa kanilang "Magpasikat" performance.

 

BASAHIN: Teddy Corpuz marries wife Jasmin for the second time during their Magpasikat performance


“Eleven years ago ‘nung magkakilala tayo. Noong una pa lang kitang makita alam kong ikaw na ‘yung babaeng para sa akin,” saad niya nang mag-propose sa live television. “Lagi mong sinasabi sa’kin na never akong nagpropose sa’yo. Kaya nga, sa harap mo at sa harap ng buong mundo, gusto kitang tanungin. Babe, will you marry me again?”   

 

BASAHIN: Teddy Corpuz shares travel photos with wife to celebrate 18th anniversary

 

Ikinasal silang muli sa It’s Showtime stage — ang kaniyang nagsisilbing tahanan sa loob ng maraming taon.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Teddy Corpuz proud sa pagtatapos ng anak na si Abby | Cheezmis