Mula sa nabuong pagkakaibigan sa loob ng bahay ni Kuya, ibinahagi ni dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab housemate Josh Ford ang kasalukuyang lagay ng kaniyang relasyon sa kapwa evictee na si Kira Balinger.
Sa kaniyang panayam kay Boy Abunda, ibinahagi ni Josh na kinikila pa nila ang isa’t isa at bukas siya sa mga pwedeng mangyari.
“Siyempre ngayon, mas kinikilala po namin ang isa’t isa. So, looking forward to whatever happens,” saad ni Josh.
Ayon sa kanya, “mutual decision” na maituturing ang patuloy nilang pagkilala sa isa’t isa.
“In a way... At the start palang sa loob ng bahay ni kuya, we were already getting to know each other, in a friendly way of course,” paglilinaw niya.
Nang tanungin kung may balak siyang gawing romantiko ang kanilang ugnayan, matipid ang kanyang naging tugon.
“I’m excited to get to know her more,” saad niya.
Sa parehong panayam, inilarawan ni Josh ang kaniyang kaibigang aktres.
“Kira is a lovely girl. I can speak all day about her. She is a sweet person and sobrang bait niya po, hindi lang outside pati na rin inside. So, she’s a really nice girl,” saad niya.
Sa ekslusibong panayam sa PUSH ABS-CBN, inamin ni Kira Balinger na mayroon siya “soft spot” para sa aktor.
EXCLUSIVE: Kira Balinger expresses her soft spot for Josh Ford: ‘He’s the sweetest’
“He's the sweetest, honestly," saad ni Kira. "I don't have anything bad to say about him. Not because I'm biased or anything but because napakaunderstanding niya. He's so sweet. And sobrang laki din ang mga ambag niya sa mga tasks. He's very smart. He's also very soft-spoken. He will always be there to listen if you need him to. I appreciate him very much."
Ang tambalang Kira at Josh na kung tawagin ng kanilang fans ay "KiSh" ay patok din sa kanilang mga tagasubaybay.
Sa parehong panayam, nagpasalamat si Kira sa suportang natatanggap nila mula sa mga fans.
“Grabe, sila talaga. As soon as I got out of the house, siyempre nag-open up ako ng mga social media accounts ko. Sila agad yung sumalubong sa akin. Of course, alongside with ChaKira (Charlie Fleming at Kira). I'm super grateful for ChaKira fans as well,” saad niya.
“Yung mga KiShes ko talaga, grabe. They make me so happy with all of their fan edits. Sobrang sweet nila. Nagpapadala sila ng food and stuff tuwing may guestings ako,” dagdag pa niya.
Sa kanyang post sa Instagram, ibinahagi ni Josh ang aral na kaniyang natutuhan sa pamamalagi niya sa loob ng PBB house.
BASAHIN: Josh Ford says PBB journey ‘the reason why I was given another chance to live’
“This journey has taught me to always be genuine with my intentions, to do my best at everything that I do, to empathize with the people around me, and to always dream big,” saad niya.
Na-evict si Josh noong May 10, kasama ang ka-duo na si Ralph de Leon, na ngayon ay muling pumasok sa Bahay ni Kuya bilang wildcard contender.
