Makalipas ang halos dalawang taon matapos ang kanilang naging hiwalayan sa ex-partner na si Lee O' Brian, ibinahagi ng TV host at komedyana ang tila ilan sa mga kaniyang mga naging pagsisi sa pinagdaanang relasyon.
Si Pokwang ang sumalang bilang searcher ng "EXpecially For You" ng "It's Showtime" nitong Sabado ng tanghali. Kasama niya ang kaniyang panganay na anak na si Mae Subong.
Sa bahagi ng kuwentuhan kasama ang mga "It's Showtime" hosts, hindi naiwasan na maging emosyonal ni Pokwang ng balikan ang ilan sa mga tila mapapait na bahagi ng kanilang relasyon.

"Ang pinag-sisihan ko lang siguro ay 'yung sobrang ini-spoiled ko siya," ani Pokwang. "Sobrang, biney-bi ko e. Sayang hindi ko siya naturuan magpaka-ama. Isa rin siguro 'yun may kasalanan din ako dyan, sobra ko siyang ini-spoiled."
Ayon pa kay Pokwang, tila isa rin sa mga masasabi niyang pagkakamali niya sa halos sampung taon na relasyon sa ex-partner ay ang kaniyang pagpapakumbaba sa mga pagkakataon na sila'y may hindi pagkakaunawaan.
"Mas marami akong natatandaan na nanggagaling sa side ko," saad ni Pokwang. "Pero galing sa side niya, Valentines, brthday ko, wala. (Parang expected?) Ako lagi, ako nagpa-plano, saan kakain," malungkot na saad ng komedyana.
Aminado si Pokwang na sa kaniyang pagpapakumbaba at pagiging mabuti sa ex ay hindi na nito naiparanas sa kaniya ang kahulugan ng pagmamahal.
"Pero bago kasi, bago siya mapa-deport palagi siyang may kasama sa BGC dini-date niya. Ang akin lang - Vice, kahit naman sa Mcdonald's lang o 'di ba?" pabirong tugon nito. "Di ba kahit nga lang sa karinederya o lugawan kahit nga sa tusok- tusok maalala ka lang, it's the thought that count ika nga."
Masasabi man niyang hindi maganda ang pinagdaanan sa kaniyang relasyon, tiningnan na lamang ni Pokwang na isa sa pinakamagandang nangyari sa kanilang pagsasama ang pagdating ni Malia sa kaniyang buhay.
"Magandang part lang, nabigay sa akin si Malia, thats the best," ani Pokwang."Siguro sa umpisa iyan kilig. Siguro may mga red flag na hindi ko (napansin). Si Malia lang talaga at saka, the rest puro tiis na ang ginawa ko."
Sa bahagi rin ng kuwentuhan, inamin rin ni Pokwang na dumating ang punto na nagalit siya sa kaniyang sarili dahil hinayaan niyang abusuhin ng dating partner ang kaniyang kabutihan.
"Hindi na ako galit, na-aano lang ako sa sarili ko, more on nagagalit ako sa sarili ko na bakit parang pinabayaan ko 'yung ganun, bakit dineadma ko 'yung red flag na 'yun ang dami kong nakita, kung noon pa lang inayos ko na, sinabi ko na sa kanya, hindi na sana (tumagal) Ang dami e', sobrang dami kong nakitang red flag," pahayag pa niya.
KAUGNAY NA BALITA :