MAYNILA - Isa sa mga naging bahagi ng pinag-usapan ng couple na sina Geneva Cruz at KC Montero sa "Expecially For You" ng "It's Showtime" ay ang mga rason ng kanilang naging hiwalayan.
Ayon kay Cruz, ang pangarap niyang ipagpatuloy ang kaniyang karera sa Pilipinas at long distance relationship kay Montero ang isa sa mga masasabi niyang rason ng kanilang paghihiwalay.
"Nagkaroon ng problem talaga noong, 'yun nga, I started working here again. We lived in the States, he followed me and nagkaroon ng problem na nung physically nagkaroon ng distance ... Of course mahirap 'yun, and ako naman, a part of me wants to sing na parang hindi ko naiisip na 'teka muna' na parang 'huy ano ka ba, pamilya na lang' ganyan. Pero ayun nga, sabi nga sakin one time we were born singer, a performer and it was the only thing that I knew, what to do 'di ba?," ani Cruz.
Mahirap man ang naging sitwasyon ng kanilang relasyon, sinubukan aniya ni Montero na sundin ang gusto ng ex at parehon nilang ipinagpatuloy ang kani-kanilang mga karera dito sa Pilipinas.
"Actually back and forth siya, kasi unang-una we were [in the] States with Heaven and andito ako sa Pilipinas. so I followed her, kasi sabi niya 'hindi ko kaya dito sa US,' kasi wala siyang lisensya, wala siyang trabaho doon, parang naka-lock in lang siya sa parents' house ko, so then I followed her sa States. Tapos sabi niya 'okay this is not for me, I will go back to the Philippines to be a singer' so okay, " ani Montero.
"She went back to the Philippines because ito 'yung buhay niya ito. She's born a singer, so she should shine as a star, so at that time hiwalay kami ... And I don't know, the same goes pero three months, six months maybe longer, at that time parang the feelings just kind of fade for me and at that time I don't know, parang it's hard to communicate."
Nagsimula man lumabo ang kanilang relasyon bilang mag-asawa, sinubukan pa rin aniya ng ex-couple na ayusin ang kanilang pagsasama.
"We tried. He tried. I didn't try hard. I felt like parang 'yun ang gusto ng lahat ng tao. Pamilya, your own family but, you know wala na tayong magagawa dahil nasa past na iyan. He's happy and I am happy. Walang jowa pero okay naman, kumakanta pa rin," paliwanag ni Cruz.
Sa kanilang naging desisyon na tuldukan na ang kanilang relasyon, inamin ng ex-couple na hindi naging madali ito para sa anak ni Cruz na si Heaven, na naging malapit na kay Montero.
"It broke Heaven. 'Yung siya ang affected talaga. Kasi stable yung family, kasi mas naging close siya dito kay KC, siya 'yung nagpalaki kay Heaven. So for many years, nag-iba siya... Sa kaniya talaga lahat so when I gave birth with my daughter London, I stayed with Heaven na dapat nga one year 'yun but I stayed with him for six years kasi sabi ko sa kaniya 'Anak babawi ako' and then he told me na 'Mom I'm okay na you may go ahead and follow your dreams still, your turning 50 soon go ahead and go home'," kuwento ni Cruz.
"Hindi ako nagpaalam, parang sinabi ko sa kaniya na parang namimis ko ang kumanta sa atin, namimis ko ang Pilipinas and then siya na ang nagsabi sa akin. He went thru so much, he went thru so much na siya talaga 'yung nagiba."
Ayon kay Montero, ramdam niya na mayroong tampo sa kaniya ang anak ni Cruz na naging malayo sa kaniya.
"Kasi noong time na iyan, how old is Heaven mga 12? 11? Again, just exactly what Geneva said that the hardest part was kay Heaven. Kasi ako, I'll be fine, 'yung nanay niya will be fine. But si Heaven, at such a young age, he experienced so much with his father, Paco ,with myself. So actually ngayon, I'm very proud of where he is today. Kahit na we don't talk a lot, kahit na minsan lang sa birthday niya, happy birthday, the last time he was here I didn't see him, and feeling ko may something there that I'm sure he resents me somehow," paliwanag ni Montero.
Pag-amin ni Montero at Cruz, sinubukan rin nila na ipaliwanag kay Heaven ang kinahinatnan ng kanilang relasyon na magkaibigan na lamang ngayon.
"We had our attempts but I think he's a grown man now and he understands that I couldn't be there after we were not together," ani Montero
"When you look at my son, you could see KC there I mean the way he talks, the way he moves, he's a rapper I mean he really looks up to this guy. He's not mad. Tampo konti, tama he's a grown man," saad ni Cruz.
Sa huling bahagi ng segment, napili ni Cruz bilang kaniyang date ang Cebuano Superman ng Cebu na si Eddie.
