← Back to Home
Odette Quesada, balik-Pilipinas para sa isang concert

Odette Quesada, balik-Pilipinas para sa isang concert

Nasa Pilipinas ngayon ang mang-aawit at kompositor na si Odette Quesada para sa isang concert.

🕒 1/13/2020, 3:50:58 AM122 wordsEN

ABS-CBN News

#Odette Quesada#concert#Umagang Kay Ganda#Tagalog News#OPM
Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA -- Nasa Pilipinas ngayon ang mang-aawit at kompositor na si Odette Quesada para sa isang concert.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Lunes, ibinahagi ni Odette na magaganap ang kanyang homecoming at birthday concert na "Hopeless Romantic" sa Enero 17 at 18 sa BGC Arts Center.

Makakasama niya sa Enero 17 bilang guests sina Kuh Ledesma at Martin Nievera.

Sa Enero 18 naman ay makakasama niya bilang guest si Sharon Cuneta.

Si Odette ang nag-compose ng mga sikat na OPM songs tulad ng "Give Me A Chance," "Til I Met You" at “Don‘t Know What To Do, Don‘t Know What To Say.”

Para sa mga manonood ng "UKG," inawit ni Odette ang pinasikat niyang "Friend of Mine."

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Odette Quesada, balik-Pilipinas para sa isang concert | Cheezmis