LAOS - Lumahok ang Pilipinas sa nagdaang 2024 ASEAN Tourism Forum na ginanap sa ITECC Exhibition Hall sa Vientiane, Laos noong January 24-26.
Pinangunahan ang kinatawan ng Pilipinas ng Tourism Promotions Board o TPB na siyang marketing at promotions arm ng Department of Tourism ng Pilipinas.
Ayon pa sa Embahada ng Pilipinas sa Laos, ibinahagi ng PH ang iba-ibang tourist sites, activities at iba pang atraksyon ng bansa sa Travel Exchange o TRAVEX ng 2024 ASEAN Tourism Forum.
Lumahok sa event ang iba-ibang kumpanya sa Pilipinas tulad ng walong (8) hotels at resorts, limang (5) tour operating companies, isang (1) convention center at isang (1) airline.
Ang tatlong (3) araw na na TRAVEX ay nagbigay ng pagkakataon sa business-to-business meetings at nagsulong din ng iba-ibang destinasyon, produkto at serbisyo sa ASEAN countries.

