MAYNILA —Maging sa St. Peter’s Square, inabangan ng mga Pilipino ang paghalal ng bagong Santo Papa.
Ikinatuwa at napaluha pa ang ilan sa kanila matapos lumabas ang puting usok sa Sistine Chapel at inanunsyo ang “Habemus papam” o mayroon nang napiling pope ang conclave.
Mahalagang okasyon ito para sa iba na ngayon lang natunghayan ang tradisyon.
Ipinakilala rin ang bagong lider ng simbahang Katolika, si Pope Leo XIV na si Robert Francis Cardinal Prevost ng Chicago.
Sa una niyang mensahe, panawagan niya ang magkaisa, maging tulay sa pagkakaunawaan at maihatid ang pagmamahal ng Diyos sa mundo.
– Ulat nina Rose Eclarinal at Mye Mulingtapang, Patrol ng Pilipino
Video produced with Yzabelle Liwag & Anjo Bagaoisan
Prevost becomes first US pope as Leo XIV
Soft-spoken Prevost is first pope from US
Pope Leo XIV prays after being elected
'Habemus papam!': White smoke at Vatican as cardinals elect new pope
