Matapos pumanaw ni Pope Francis nitong ika-21 ng Abril 2025, lumulutang na muli ang katanungan kung sino ang susunod sa kaniyang yapak bilang Santo Papa.
Ngunit paano nga ba napipili ang magiging sunod na gabay ng mga Katoliko?
Ayon sa Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP), natitipon-tipon ang mga cardinal sa iba't ibang bansa para isagawa ang tinatawag na "papal conclave" kung saan hindi sila maaaring magkaroon ng komunikasyon sa publiko hangga't walang nahahalal na susunod na Santo Papa.
Alamin 'yan at iba pang detalye sa panayam na ito sa TeleRadyo Serbisyo Johnson Ikwento Mo.

