← Back to Home
Trump 'buburahin' ang Hamas kapag lumabag sa Gaza peace plan

Trump 'buburahin' ang Hamas kapag lumabag sa Gaza peace plan

Binalaan ni US President Donald Trump ang Hamas nitong Lunes na pupulbusin niya ito kung lalabag ito sa kasunduan sa Gaza sa Israel.

🕒 10/20/2025, 10:47:05 PM322 wordsEN

ABS-CBN News

#hamas#donald trump#gaza#israel

Binalaan ni US President Donald Trump ang Hamas nitong Lunes na pupulbusin niya ito kung lalabag ito sa kasunduan sa Gaza sa Israel.

"We made a deal with Hamas that they're going to be very good, they're going to behave, they're going to be nice," ani Trump sa mga mamamahayag sa White House habang siya ay nagho-host ng Punong Ministro ng Australia na si Anthony Albanese.

"And if they're not, we're going to go and we're going to eradicate them, if we have to. They'll be eradicated, and they know that."

Tinulungan ni Trump na i-broker ang peace deal sa Gaza halos dalawang linggo na ang nakakaraan ngunit paulit-ulit itong nasa ilalim ng pagbabanta. Inakusahan ng Israel ang Hamas ng pagtigil sa pagbigay ng mga patay na bihag, at ng paglulunsad ng mga pag-atake.

Binalaan din ni Trump ang militanteng grupo na itigil ang pampublikong pagbitay sa mga karibal at pinaghihinalaang mga collaborator habang sinisikap nitong maibalik ang pagkakahawak nito sa nasirang teritoryo.

Iginiit din ni Trump na hindi siya magpapadala ng mga pwersang Amerikano laban sa Hamas.

"In addition, you have Israel would go in in two minutes, if I asked them to go in. But right now, we haven't said that. We're going to give it a little chance, and hopefully there will be a little less violence. But right now, you know, they're violent people," aniya.

"They got very rambunctious, and they did things that they shouldn't be doing, and if they keep doing it, then we're going to go in and straighten it out, and it'll happen very quickly and pretty violently."

Ayon kay Trump, mas mahina na ang Hamas lalo na't mas malabo nang tulungan ito ng Iran kasunod ng mga  pag-atake ng US at Israeli ngayong taon.

"They don't have the backing of really anybody anymore. They have to be good, and if they're not good, they'll be eradicated," aniya.

Isinalin sa ulat ng Agence France-Presse





Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Trump 'buburahin' ang Hamas kapag lumabag sa Gaza peace plan | Cheezmis