← Back to Home
'My Puhunan: Kaya Mo!': Kiray mega milyonarya dahil sa live selling

'My Puhunan: Kaya Mo!': Kiray mega milyonarya dahil sa live selling

Alamin ang naging sikreto ng dating child star na si Kiray Celis sa kaniyang pag-asenso at pagyaman sa live selling ng kaniyang mga produkto.

🕒 8/31/2025, 10:27:23 PM314 wordsEN

Sherwin Tinampay

#My Puhunan#My Puhunan: Kaya Mo!#Karen Davila#Migs Bustos#Kiray Celis#DTI#Negosyo#Business#DTI Asenso Pilipino

Boss na ng sarili niyang beauty business ang dating child star na si Kiray Celis.

Iba't ibang mga produkto ang binebenta niya online gaya ng juice, kape at food supplement na nabuo niya sa tulong ng nakilala niyang food manufacturer.

Sa naging panayam sa kaniya ni Karen Davila para sa programang "My Puhunan: Kaya Mo!", ang boyfriend niya ang nag-udyok sa kanya na pasukin ang pagnenegosyo.

"Very business-minded kasi ang boyfriend ko. Naisip niya na parang, alam mo, kung nakakabenta ka sa kanila (kliyente ni Kiray) ng milyon, paano kung ikaw 'yung may-ari ng mga products na binebenta mo kasi nabebenta mo nga 'yung iba eh, what more kung sarili mo pa?" paglalahad niya.

Nagsimula si Kiray sa pagiging live seller ng iba't ibang brand. Sa una umano niyang live selling gig, umabot ng isang milyong piso ang halaga ng kaniyang naibenta online.

Dahil sa natatangi niyang abilidad sa live selling, isa ito sa naging puhunan niya ito para pasukin ang mundo ng pagnenegosyo.

Aminado si Kiray na wala siyang kaalaman sa pagtatayo ng negosyo kung kaya't malaki ang naging papel ng kaniyang food manufacturer sa kaniyang pagsisimula.

"Sobrang tinulungan ako ng manuf (manufacturer) ko sa mga kagaya ng DTI, 'yung mga kailangan ko po na papers kasi wala po talaga akong idea kahit sa pangalan, variants," kuwento niya.

Mabibili ang mga produkto ni Kiray online. Naniniwala siya na patuloy na tinatangkilik ang produkto niya dahil sa pagiging totoo niya sa pagbebenta nito sa publiko.

"Kailangan maging totoo ka kasi 'yun naman talaga ang gusto ng mga bumibili at gustong bumili sa'yo, maging totoo ka lang, 'yung totoong nasa products mo talaga," pagbabahagi niya.

Interesado ba kayo na umasenso sa pagbebenta ng produkto online? Alamin ang kuwento ni Kiray at kung paano kayo matutulungan ng Department of Trade and Industry dito sa "DTI Asenso Pilipino" sa "My Puhunan: Kaya Mo!" kasama si Karen Davila.




Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
'My Puhunan: Kaya Mo!': Kiray mega milyonarya dahil sa live selling | Cheezmis