← Back to Home
NAPAGKAMALANG ALIEN?! Vice Ganda, ‘amats’ si Miss Q&A Havana Alawi | It’s Showtime

NAPAGKAMALANG ALIEN?! Vice Ganda, ‘amats’ si Miss Q&A Havana Alawi | It’s Showtime

'Amats' nga ni Meme ang beki na may kakaibang 'hugis' ang tainga, at ang boses ay tunog galing ibang planeta. Biro ni Meme, parang nagtatawag ng alien si Havana.

🕒 6/30/2026, 6:53:36 AM290 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Miss Q&A#Miss Q&A Showtime#Miss Q&A Havana Alawi#Vice Ganda#It's Showtime#Jhong Hilario#Anne Curtis#Vhong Navarro#Amy Perez#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#Karylle#Jugs and Teddy#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Ion Perez#Showtime June 30 2026#Its Showtime June 30#Miss Q&A June 30 2026

Hindi man natin kontrolado kung ang uulan ay papatak, may choice tayo na harapin ito nang nakahanda, at may kasangga. Anuman ang panahon, ang "It's Showtime" family, lagi nating kasama!  

Matatapos na ang June, pero hindi ang wit at tawanan sa "Miss Q and A." Sina Kishan Garcia ng Makati, Rhain Bayonon ng Manila, at Havana Alawi ng Quezon City ang nagPAKsiklabn sa 'chukchakan' today.  

Para kay Kishan, her tattoos are part of her charm at kagandahan. Eh, kung may bagay na tattoo kay Havana, ano kaya ito? May naisip na si Vice Ganda! Pwedeng kulayan daw ng blue si Havana tapos ‘avatar’ ang kalalabasan.  'Amats' nga ni Meme ang beki na may kakaibang 'hugis' ang tainga, at ang boses ay tunog galing ibang planeta. Biro ni Meme, parang nagtatawag ng alien si Havana. 

Hindi gumana ang 'superpowers' ni Havana dahil ligwak siya sa Tumpak Ganern. Pero nakangiti pa rin siyang um-exit.  

Samantala, with grace and substance ang talakan nina Kishan at Rhaine sa Wit Lang. Si Kishan, nabunot ang tanong na, "Ilang oras ang dapat itulog ng jowa mong napagod na sayo?" Sagot niya, hindi dapat makatulog sa kaiisip sa kan'ya ang ex-jowa.  

Ramdam din ang gigil ni Rhaine sa tanong na, "Kapag nakalaban mo sa marathon ang ex mo, maiiwan ka pa ba?" Sabi niya, matagal nang tapos ang laban kaya hindi na siya maiiwan.  

Hindi nga nagpa-iwan si Rhaine, na tutuloy sa biyahe sa Sabado para sa weekly finals matapos itanghal na Miss Q and A Reyna TalakEra of the day nina hurado Ralph de Leon, Karylle, at Dia Mate. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
NAPAGKAMALANG ALIEN?! Vice Ganda, ‘amats’ si Miss Q&A Havana Alawi | It’s Showtime | Cheezmis