Magpapakilig muli sa iWant, the home of Filipino feels, ang tambalan nina JM Ibarra at Fyang Smith para sa kanilang bagong vertical rom-com na "Will You Fake Marry Me?" na ipalalabas simula Hunyo 30 (Martes).
Kasunod nito ng kanilang hit iWant original na "Ghosting" noong 2025, na nag-trending sa social media at tumabo ng higit 30 milyong views para sa mga teaser at trailer nito.
Sa direksyon ni Jojo Saguin, iikot ang short rom-com serye kay June (Fyang), isang tocino promoter, na magpapanggap na engaged sa CEO ng naturang brand na si Ping (JM) upang makuha ang pamanang iniwan ng kanyang yumaong kamag-anak. Ngunit para tuluyang mapasakanya ang kayamanan, kailangan nilang patunayang tunay ang kanilang pag-iibigan. Mauuwi kaya sa totohanan ang kanilang pagpapanggap?
Ang "Will You Fake Marry Me?" ay ang bagong adisyon sa vertical drama lineup ng iWant ngayong taon, kasunod ng trending romance short serye nina Alexa Ilacad at Gelo Rivera na "The Chambermaid's Daughter," at ang nagbabagang affair drama nitong "Twist of Fate."

Damhin ang kilig to-the-max kina JM at Fyang sa "Will You Fake Marry Me?" na mapapanood ang unang 15 episodes nito ngayong Hunyo 30, at ang mga natitira nitong episode simula Hulyo 15 sa iWant. Libreng mapapanood ang first five episodes nito sa Facebook, TikTok, at YouTube pages ng iWant, pati sa official ABS-CBN Entertainment TikTok at YouTube accounts.
Eksklusibong mapapanood sa iWant ang episodes 6 to 30 sa pamamagitan ng subscription plans na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 kada buwan para sa iba pang bansa.
I-enjoy at damhin ang iba't ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.
JM and Fyang spill each other’s secrets in a candid “Who Knows Me Better” face-off
Watch JMFyang’s no-filter ‘kilig kulitan’ in these Kapamilya Chat challenges!