Sumiklab ang pagmamahal mula sa libo-libong mga Kapamilya matapos dumugin sina Coco Martin at Julia Montes sa Maynila noong Sabado (Hunyo 6) para sa nationwide motorcade ng inaabangang ABS-CBN primetime serye na “Coco Martin’s Sigabo.”
Umabot ng halos pitong oras ang motorcade matapos dumagsa ang fans, mapa-bata o mga lolo at lola, sa Quiapo, Divisoria, Tondo, at Blumentritt, para salubungin ang Hari ng Aksyon sa Ating Henerasyon na si Coco at ang Prime Actress na si Julia.
Napuno ng kasiyahan ang selebrasyon kung saan nakipag-kamay at selfie ang cast sa mga nag-abang na mga Kapamilya, at tumodo rin ang good vibes sa handog na song and dance numbers sa pangunguna ni Coco.
Nakasama rin sa motorcade ang iba pang cast members ng “Sigabo” tulad nina Joey Marquez, Carmi Martin, Chanda Romero, Irma Adlawan, JC De Vera, Richard Quan, Jerald Napoles, at iba pa.
Nakatakdang umikot ang motorcade sa iba pang lugar sa Cebu, Cavite, Palawan, at Pampanga habang inaabangan na ang pagpapalabas ng “Sigabo” simula Hunyo 22.
Una nang ibinahagi ni Coco na tiyak na mae-enjoy ng mga pamilya ang bago niyang handog na serye na kumpleto sa aksyon, kulitan, at kilig.
Tutukan ang mga maaksyong tagpo sa “Coco Martin’s Sigabo” simula Hunyo 22 ng 8 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, iWant, at Kapamilya Online Live (KOL) sa ABS-CBN Entertainment YouTube.
Thousands flock to Manila as Coco and Julia kick-off nationwide motorcade for “Sigabo”
“Hari Ng Aksyon Sa Ating Henerasyon”: Si Coco Martin at ang pagsibol ng bagong mukha ng Pinoy action
CocoJul, handog ang aksyon at kilig sa “Coco Martin’s Sigabo”
Coco, pasabog ang aksyon sa “Coco Martin’s Sigabo,” mapapanood simula Hunyo 22
