Walang kupas ang sense of humor at mataas na energy ng mga lolo't lola mula Makati. Remember, laughter is also the best maintenance. Ang tawanan at kulitan, epektibong bitamina. Kaya samahan sila sa "It's Showtime" Laro Laro Pick game arena.
Hindi man kumpleto ang mga ngipin, pero buong-buo pa rin ang ngiti sa mga labi ni tatay Cone, ang tricycle driver, sweet lover ng Makati. Sa pamamagitan ng pamamasada, naitawid niya ang pangangailangan at kinabukasan ng kan'yang mag-iina. Ngayong wala na si misis, hindi naman nagkukulang ang sampung supling niya sa pagmamahal at aruga. Pero, syempre, iba pa rin ang lambing ng asawa.
Si misis, kan'yang miss na miss! Lalo na 'yung mga bonding moments, katulad ng date time sa go-to mall nilang dalawa. Si misis lang ang paborito niyang angkas, one and only, walang ibang makatutumbas. Kaya para mabawasan ang pangungulila, pina-laminate niya ang larawan ng namayapang asawa at idinikit ito sa tricycle. Kaya feeling ni tatay, angkas niya si misis forever. Napangiti si Vice Ganda sa kuwentong 'wagas na pag-ibig' ni tatay Cone. Ang tamis, 'di ba, Meme?
Mula sa tamis, parang nabudburan ng 'bitterness' ang friendship nina Vice Ganda at Vhong Navarro, na nagka-'misunderstanding' habang nag-i-interview dahil sa diumano'y magugulong tanong ni Vhong. Naipit si gitna si Jhong Hilario, pero as a referee, naplantsa naman niya ang gulo.
Nilaban ni Darren Espanto ang laro para sa mga beloved lola't lolo. Dahil siya ang umabot sa dulo, isang eliminated Madlang Senior ang nabunot upang samahan si Darren sa final game. The lucky player, Bebet ang name!
Extra generous sina Karylle at Jackie Gonzaga. Sinimulan agad ni Karylle sa P35,000 ang Li-Pot offer, na dinagdagan pa ni Jackie ng limang libo. Aray mo! Natawa si Vice Ganda dahil mukhang mag-aabono pa ang alaga niya. "Ang kinikita lang n'yan dito P3,500 a day, plus one million bash," sabi ni Meme. Dagdag hirit niya, hindi lang si Jackie, kundi pati sina Ryan Bang, Ion Perez, Cianne Dominguez, Jugs Jugueta at Teddy Corpuz ay nakakatangap ng one million bash a day.
Malakas talaga ang karisma ni Jackie dahil na-convince niya si nanay Bebet na tanggapin ang Li-Pot money, kapalit ng P300,000 POT question.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
