← Back to Home
Darren, 'NANIGAS ANG KATAWAN' sa eksena nila ni Mika | It’s Showtime

Darren, 'NANIGAS ANG KATAWAN' sa eksena nila ni Mika | It’s Showtime

Darren, 'NANIGAS ANG KATAWAN' sa eksena nila ni Mika | It’s Showtime

🕒 5/22/2026, 7:06:06 AM225 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#WeWantShowtime#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Darren Espanto#Mika Salamanca#Vhong Navarro#Jhong Hilario

Life is magical, sabi nila. Baka nga hindi nawawala ang salamangka sa mundo, nag-iiba lang ng anyo at natatagpuan sa puso. Katulad ng ganda at charisma ni Mika Salamanca, parang mahika, mabibighani ka. Ang "PBB Collab 2.0" Big Winner, naki-join sa kulitan sa May 22 episode ng "It's Showtime."

Good news ang hatid ni Mika para sa fans na nag-aabang sa album niya. At sa mga looking forward naman na mapanood ang take ni Mika sa bagong trending na "Ooh La La Baby" dance, here's what you've been waiting for. Yup, ika'y mapapa-"ohh la la" for sure!

Madalas ang mahika ay nasa mga kuwento ng pantasya, pero minsan matatagpuan din ito sa taong marunong magdala ng saya, katulad ni Mika, na game sumalang sa aktingan sa 'Laro Laro Pick.' From drama to comedy real quick! Mga linya sa kantang "Ang Huling El Bimbo," 'in-act-song' nila ni Darren Espanto!

Pagkatapos ng aktingan, na-wipe out ang game arena. Kaya bumunot ng isang pangalan ng eliminated player na magbabalik sa entablado. Kay PJ pa rin ang larong ito! Ang POT, inilaban ni PJ para sa pambayad sa utang sa school. Ang tanong na may kinalaman sa asignaturang Mathematics, masagot kaya niya?

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Darren, 'NANIGAS ANG KATAWAN' sa eksena nila ni Mika | It’s Showtime | Cheezmis