← Back to Home

Mga bida ng “Blood vs Duty,” sumailalim sa script reading, look test

Sumabak na sa script reading at look test ang mga bida ng upcoming ABS-CBN primetime series na “Blood vs Duty.”

🕒 1/29/2026, 4:55:07 PM180 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Blood vs Duty#Richard Gutierrez#Bela Padilla#Gerald Anderson#Barbie Imperial#Baron Geisler

Sumabak na sa script reading at look test ang mga bida ng upcoming ABS-CBN primetime series na “Blood vs Duty” na sina Richard Gutierrez, Bela Padilla, at Gerald Anderson, kasama sina Barbie Imperial at Baron Geisler, bilang paghahanda para sa kani-kanilang papel sa inaabangang teleserye. 

Nakasama rin sa pre-production activities noong Miyerkules (Enero 28) sina Edgar Mortiz, Rommel Padilla, at Susan Africa na kumpirmadong makakasama rin sa action-drama series. 

Natapos ang kanilang paghahanda sa pamamagitan ng isang Thanksgiving mass sa ABS-CBN chapel na pinangunahan ni Fr. Tito Caluag. 

Isa ang “Blood vs Duty” sa exciting projects ng ABS-CBN ngayong 2026. Inanunsyo ang proyekto noong Enero 19, at nagsimula nang mag-training sina Richard, Bela, at Gerald bilang paghahanda sa kanilang action scenes na dapat abangan.  

Ang "Blood vs Duty" ay nasa ilalim ng JRB Creative Production unit ng ABS-CBN sa pangunguna nina Ms. Julie Anne R. Benitez at Creative Head na si Mr. Dindo Perez. Ang JRB Creative Production ang nasa likod ng mga programang "Ang Sa Iyo Ay Akin," "Mars Ravelo's Darna," "Nag-aapoy na Damdamin," at "Sins of the Father."

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Mga bida ng “Blood vs Duty,” sumailalim sa script reading, look test | Cheezmis