← Back to Home
Paano nga ba kumain ng kwek-kwek ang isang Anne Curtis? | It’s Showtime

Paano nga ba kumain ng kwek-kwek ang isang Anne Curtis? | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 9/24/2025, 5:31:40 AM896 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Anne Curtis Showtime#Anne Showtime#Anne Kwek Kwek#Anne Curtis Kwek Kwek#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Karylle#Darren Espanto#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#

Sa mga abangers, heto na ang pinakahinihintay n'yong pagbuhos ng tawanan, swerte at good vibes. May pasok na! Kaya say "present" muna, mga classmates. Ang lesson natin for today ay Mathematics. I-multiply ang happiness at i-minus naman ang bad vibes sa life.

To the nth power naman ang vocal prowess ni Morissette Amon na naghanda ng mini-concert para sa Madlang People. Para sa bayan ang tinig na 'yan! Dahil ang boses ni Morissette, maipagmamalaki globally. Siya lang naman ang bagong Equal PH Ambassador sa Spotify, kaya naman very proud sa kanya ang Showtime family.

Pagtutulak ng kariton ang trabaho. Gugulong rin ba ang swerte sa buhay ng mga madlang magkakariton players sa Laro Laro Pick?

Nakilaro rin ang It's Showtime hosts na sina Jugs Jugueta, Ryan Bang, Ion Perez at Darren Espanto to represent the madlang people sa studio. Sina MC at Lassy, bet rin daw maglaro. Pero ayaw ng Madlang People? How true?

True story ng pagsisikap at inspirasyon naman ang ibinahagi ng mga players. Sila 'yung mga simpleng Pilipino na matiyagang naghahanapbuhay, umulan man o umaraw. Walang pagkakataon na magpahinga dahil katulad ng mga gulong ng kariton nila, patuloy lang ang buhay. Sila rin 'yung mga Pilipino na kahit kaunting pagkakamali lang ay napaparusahan. Kaya tulad ni Vice Ganda, hindi na tayo natutuwa, 'di ba? Hindi na tayo natutuwa sa laganap na korapsyon sa bansa. At tulad ni Meme, excited din tayo sa kahahantungan ng mga kawatan.

At habang nilulutas natin ang problema, huwag nating kalimutan na alalayan ang isa't isa. Kung makakasalubong natin ang mga magkakariton, hiling ni Meme, sana bumili naman tayo ng paninda nila at huwag nang tumawad pa. Dahil ang isang kilong ibinawas natin sa kanilang paninda, baka katumbas na ng buong araw na pagkain nila.

Nakilala natin si Jimmy na mula sa Pasig City. From construction worker, napunta siya sa pagkakariton na tatlong taon na niyang hanapbuhay. Nagtitinda siya ng prutas gamit ang kariton, at pangarap niya na katulad ng mga prutas na tinitinda ay magbunga ang kanyang pagsisikap para sa asawa't tatlong anak. Pero, teka, nagkagulo sa studio nang magkaturuan kung sino ang asawa ni Tatay Jimmy hanggang sa lumitaw si Nanay Lea, na ubod nang lambing. Sa kabila ng pagod ni Jimmy ay umuuwi naman siyang masaya sa piling ng asawa. Kung minsan naman ay luhaan 'pag hindi nauubos ang paninda. Kaya hiling ni Vice Ganda ay sana palaging umuwi si Tatay Jimmy na masaya.

Naantig din ang lahat sa kuwento ni Nanay Rosie, ang magkakariton sa Baclaran kung saan siya nagtitinda ng mga soft drinks at merienda. Kung napapaalis sa pwesto ay lilipat na lang sa ibang lugar. Kasama ang anak na nagkakariton din at nagbebenta ng kwek-kwek (hindi 'yung sosyal version ni Anne Curris, ha?), sa kalsada sila uuwi. Dahil hindi kinayang magbayad ng upa, ngayon ay sa kalsada sila nakatira. Naluha si Nanay Rosie habang ikinukuwento ang araw-araw niyang buhay. Nakakagalit isipin na may mga maliliit na Pilipinong sa kalsada natutulog samantalang ang ibang politiko ay kaliwa't kanan ang magagarang tahanan. Kaya panawagan ni Vice Ganda, ang lahat ng mga Pilipino'y magkaisa at huwag nang pumayag na pagnakawan pa ng buwis. Bago pa man ang Pasko, may regalo na agad si Vice kay Nanay Rosie. Nangako siyang tutulungan si Nanay na maghanap na maayos na tirahan na babayaran niya sa loob ng isang taon. Salamat din sa pulis na nagbigay noon kay Nanay Rosie ng puhunan. Saludo sa inyo!

"Ito ang mga Kapamilya natin na ipinaglalaban at sinusuportahan. At kung hindi ka pa rin galit sa mga nangyayari sa paligid mo, baka ikaw na ang problema," sabi ni Meme bago magsimula ang mga ganap sa game arena.

Ang swerte ay gumulong patungo kay Bonjing. Siya ang maglalaro sa final game. Siya ay nagtitinda ng gulay at prutas gamit ang kanyang kariton, na almost 20 years na niyang hanapbuhay.

Proud si Tatay sa dalawa niyang anak na itinataguyod niya sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagkakariton. Aniya, ang mga anak niya'y matatalino. Parehong Computer Engineering students at ang isa pa nga ay dean's lister. Para kay Tatay Bonjing, mahalaga ang edukasyon.

Ang pangarap niya'y makatapos ang mga anak ng pag-aaral dahil ito lamang ang kanyang maipapamana.

Sabi nga ni Vice Ganda, mangarap tayo at tuparin ang mga pangarap nang may dignidad. Panalangin ni Vice na sana ang mga simpleng tao katulad ni Tatay Bonjing, lumalaban nang patas at pinagsisikapan ang kahit maliit na halaga, ay patuloy na biyayaan at protektahan ng kalangitan.

Kung mananalo ng P150,000, plano ni Tatay na kumuha ng maliit na lupang huhulugan sa Bulacan. Muling nalungkot si Meme dahil sa pangarap ni Tatay Bonjing. Heto ang isang ama, pangarap lang ang isang maliit na lupa sa lugar kung saan palaging binabaha dahil sa substandard na proyekto.

Kaya deserve ni Tatay na maiuwi ang Pot money 7na P150,000, na nakuha niya matapos sagutin ang tanong na, "Anong prutas ang kinagat ni Snow White na naging dahilan ng pagkalason niya?"

Itinadhana ang panalo kay Tatay. Bago magsimula ang show, nataranta ang staff dahil kulang pa ang bilang ng manlalaro. Kaya sinuyod nila ang mga kalsada para maghanap ng participants at isa si Tatay Bonjing sa mga last minute players.

Abangan naman bukas ang pasiklaban ng mga boses na palaban sa Tawag Ng Tanghalan Year 9. At patuloy pa rin ang auditions. Hirit ni Vice Ganda, puro auditions, hindi naman sumasalang dahil sa overtime. Haha!

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Paano nga ba kumain ng kwek-kwek ang isang Anne Curtis? | It’s Showtime | Cheezmis