← Back to Home
Vice Ganda, hinihikayat ang mga Pilipino na mangarap nang malaki | It’s Showtime

Vice Ganda, hinihikayat ang mga Pilipino na mangarap nang malaki | It’s Showtime

Showtime family, nagdiwang sa pagkapanalo ni Khen ng 650K sa Laro Laro Pick!

🕒 9/22/2025, 5:06:48 AM898 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeKaFUNyarihan#Laro Laro Pick#Vice Ganda#mangarap ng malaki#Pilipino#Pinoy#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ogie Alcasid#Darren Espanto#Karylle#Amy perez#Shuvee Etrata#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Ion Perez#Ryan Bang#Jugs Jugueta#MC

Magkaisa, tumindig, lumaban—dito sa “It’s Showtime,” lalabanan natin ang bad vibes. Hindi tayo papayag na bahain tayo ng nega at bahain ng problema, ang pwede lang ay bahain tayo ng swerte at positivity. Kaya sama-sama nating ipaglaban ang masayang kinabukasan, one laughter at a time. 

Ang panlaban sa Monday blues, boses ni Sofronio Vasquez. Laging masaya si Sofronio ‘pag nasa Showtime stage, at kahit saan pa siya dalhin ng kanyang talento, kahit pa sa ibang bansa kung saan mga sikat na international stars na ang kanyang nakakasalamuha matapos siyang magwagi sa The Voice USA, his heart will always belong to his Showtime family and the Madlang People. Kaya very happy at proud si Vice Ganda, na pinasalamatan si Sofronio. Walang iwanan sa pamilyang ‘to! 

Ang mga Pinoy na lumalaban nang patas, saluduhan natin sa “Laro Laro Pick” game arena. Ngayong Lunes, mga factory workers ang bida. Nakilaro rin sina Showtime hosts Ryan Bang, Darren Espanto, Ion Perez, and  guest co-host Shuvee Etrata para sa madlang studio audience. 

Agaw-eksena ang 'da moves ni Rona, mommy of six at maybahay ng isang construction worker. Si Vice Ganda, pabirong nag-alala. Mommy Rona, legal ba ‘yan o ghost projects? Eme! Sa walo hanggang labindalawang oras na nakatayo sa trabaho, pagod ng katawan ang kalaban. Sabi nga ni Meme, napakahirap ng buhay lalo pa’t bawal magkasakit ang kahit sino sa pamilya dahil walang healthcare ang sumasalo sa kanila. Natameme si Rona nang tanungin kung ano ang pinakamataas na pangarap niya para sa mga anak, kaya dagdag ni Meme, dapat matuto ang bawat Pilipino na mangarap nang mataas, para hindi makuntento lang sa bare minimum na binibigay ng gobyerno. 

May point din naman si Shuvee. Paano raw matuturuan ni Rona ang mga anak na mangarap nang malaki kung siya mismo ay hindi natutong mangarap para sa sarili? Sa gitna ng seryosong kuwentuhan, ang Showtime squad nagkatawanan, dahil si Shuvee, hindi raw kasali sa GC kaya muntik hindi makasabay sa dress code of the day. 

Fortunate and exalted naman ang ibig sabihin ng pangalan ni Saidali, o Sai sa palayaw. Maging fortunate rin kaya siya sa game arena? Pero hindi pa man nagsisimula ang laro, jackpot feels na siya sa kilig sa kanyang girlfriend na sumama pa sa studio para mag-cheer. Ay, namumula! With matching blush pa 'yan siya habang ikinukuwento ang love language niyang pagluluto ng masasarap na adobo sa gata para sa nobya. Love is in ten air kaya sagot na ni Meme Vice ang date ng dalawa sa Vice Comedy Club. Sa hirap ng buhay, minsan pag-ibig lang ang kailangan upang ang mundo ay magkaroon ng kulay. 

Game time! Sa round ng Illuminate or Eliminate, 12 players lang ang makaka-survive at aabante sa It’s Giving, kung saan ang category ay mga kulay na madaling ituro sa 2-year-old na bata ayon kay Harvard University graduate Dr. Gupta. At sa You Gotta Lyric portion, lahat ay nagkantahan featuring Apo Hiking Society's “Ewan."

Aba! Si ‘Shuveedoo,’ buhay na buhay ang swerte at give na give sa laro para sa madlang people sa studio. Umabot pa sa PILImination at parang malakas ang laban ng island girl na yarn! Kung siya ang aabante sa jackpot round, promise niya, susugalan niya ang POT. 'Yun nga lang, ang itinadhanang makakuha ng tube na may yellow liquid sa PILImination ay si factory worker Khen. 

Maraming Pilipino ang naghahangad na mabago ang kanilang buhay. Baka ang iba'y pagod na. Katulad ni Khen, factory worker, na hindi sapat ang kinikitang P20,000 kada buwan para itaguyod ang pamilya. Baon din siya sa utang na umabot na ng P200,000 at naging dahilan pa ng 'di pagkakaunawaan nila ng kanyang asawa.

Miss na miss na ni Khen ang kanyang mag-ina, kaya ang gusto niya'y manalo, kahit magkano, makauwi lang sa pamilya na may bitbit na kahit munting biyaya. Sabi niya, palagi siyang nanonood ng "Laro Laro Pick" at ngayong nandito na siya sa jackpot round, ang gusto niya'y ilaban ang POT.

'Yun nga lang, malaking tulong na rin ang P40,000 offer sa Li-Pot. Para sa isang ama na tulad ni Khen, mas mabuti na 'yung sigurado. Pero binigyan siya ni Vice Ganda ng tapang at lakas ng loob, aniya, isang sagot lang ang kailangan para lahat ng problema ni Khen ay masolusyunan at tuluyang mabago ang buhay ng kanyang pamilya. 

Bakas ang kaba sa mukha ni Khen. Nagpalipat-lipat, hanggang sa tuluyang tinayaan ang Pot question na, "Ano ang popular full name ng kasalukuyang Senate President Pro Tempore ng Pilipinas na siya ring Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee?" Dagdag na clue ni Vice Ganda, "Dati siyang pulis." Sa loob ng limang segundo, ang sinagot ni Khen, "Ping Lacson." 

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Vice Ganda, agad-agad ay in-announce na tama ang sagot ni Khen! Mag-uuwi siya ng P650,000! Bumuhos ang emosyon ni Khen, at maging ang Showtime hosts at studio audience ay naiyak. "Masayang masaya kami na sa puntong 'to, isa man lang sa mga kababayan natin na hirap na hirap na ang natulungan natin. Kahit paisa-isa lang," sabi ni Vice habang nagpipigil naman ng luha.

Bago matapos ang programa, nagbigay ng maikling mensahe si Vice Ganda para sa lahat ng Pilipino na patuloy na labanan ang korapsyon. Aniya, ang kalaban natin ay katiwalian, hindi ang isa't isa. Patuloy tayong kumapit sa pag-asa!

Good vibes naman ang hatid ng Showtime family matapos pagkatuwaan ang OOTD ni Tyang Amy Perez. This calls for a family photo!

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, hinihikayat ang mga Pilipino na mangarap nang malaki | It’s Showtime | Cheezmis