OA sa good vibes, OA sa saya, at OA sa tawa! OA ang energy ng Madlang People at OA sa sigaw ngayong araw dahil present sa studio ang Nation's Mowm at Soul Diva, Klarisse De Guzman, para sa isang OA sa galing na performance.
Bawal maging corrupt at bawal rin ang kumurap dahil hindi mo gugustuhing ma-miss ang bonggang opening number ni Klarisse. Also don't miss her upcoming concert. Alamin ang detalye from Klarisse herself!
Talagang bumabaha ng husay sa OPM, ang tahanan ng musikang Pinoy. Kaya isang pagbati mula sa "It's Showtime" family to the Nation's Girl Group, BINI, as they’re officially part of the Coachella 2026 lineup—slay na slay, Blooming all the way!
Mga kamay nila’y sanay sa mop, walis, at basahan. Pero ngayong araw, sa kamay ng cleaners, janitors, at utility personnel kaya mapupunta ang P600k jackpot sa Laro Laro Pick? OA na good vibes ang dala nila sa game arena kasama pa sina 'Showtime' hosts Darren Espanto at Ion Perez, with special guests Bianca Umali at Angel Guardian na may hatid pang good news sa Madlang People.
Utility worker si Ayang na 15 years na sa ganitong trabaho. Para sa kanya, pinakamahirap ang maglinis ng banyo. Nakakapagod pero masaya pa rin siya sa pagkayod lalo’t ang pamilya ang kanyang inspirasyon. Ang simple 'recharge' niya ay kapag nagkakasama-sama silang pamilya at naipagluluto niya ang kanyang mga anak. Kung manalo siya, malaking tulong din 'yon sa pagpapagamot ng kapatid na nagpapa-dialysis. At para makabawas kahit papaano sa iisiping gastos ni Ayang, nag-promise sina Jhong Hilario, Jackie Gonzaga at Vhong Navarro na sagutin ang isang dialysis session ng kanyang kapatid.
Nakakatuwa namang pakinggan ang alamat ng pangalan ni Aputo, na certified mabait na mister dahil lahat ng kita, diretso kay misis. Pero kung sakaling maiuwi ang P600k, baka dito na sila magsimulang maghati. Kinabahan naman ang lahat nang mapunta sa inuman ang usapan, dahil para kay Apato, isa lang ang pinakamasarap na pulutan. Ano o “sino” kaya ito?
Exciting ang sayawan at laban sa “Illuminate or Eliminate” kung saan sinubok ng swerte ang cleaners at janitors dahil 12 out of 24 players lang ang makakapili ng green boxes. Sa “It’s Giving”, ang challenge ay magbanggit ng kababalaghang nilalang o mythical creatures sa Pilipinas. Napahugot naman ang lahat sa “You Gotta Lyric” round with the OPM classic “Mula sa Puso.” Si Angel, tuluyan nang ‘nagbabu’! Pati si Bianca out na, confident pa naman sa lyrics niya, 'yun pala ang lakas makaimbento!
Sa huli, apat na babae ang nagharap sa “PILImination.” Tig-isang lobong itim ang kanilang pipiliin, pero isa lang ang kulay asul sa loob. At ang lucky player ay si Annie.
Para secure na ang isang sem na pang-tuition ng anak sa eskwela, hindi na nagdalawang-isip pa si Nanay Annie na piliin ang Li-Pot offer na P30k. Pero biglang tumaya si guest co-host Bela Padilla. Gusto raw niyang i-try ni Nanay Annie ang Pot question, kaya para kumbinsihin ito, willing siyang magbigay ng P15k, at P5k naman ang ambag ni Vhong Navarro. Kung sakaling hindi makuha ni Annie ang tamang sagot ay mapupunta sa kan'ya ang halagang ipinangako ni Bela.
Pero ayon sa "It's Showtime" staff, hindi nila ito mapahihintulutan. Sayang nga lang, pero at least may P30k na si Nanay Annie sa Li-Pot, na dinagdagan pa ni Jhong Hilario kaya naging P40k na ang maiuuwing premyo.
Samantala, ang Pot question for today ay, "Ano ang tawag sa sikat na tinapay sa Pilipinas na may literal na meaning sa English na bread of salt?" Alam n'yo ba ang tamang sagot, Madlang People?
OA sa husay ang mga eksena sa “Tawag ng Tanghalan” Year 9 entablado.
Unang sumalang si Roli Manalo mula Zambales. Kahit busy sa mga gigs, ang pangarap niya’y makaipon para makabalik sa pag-aaral. All the feels ang dala niya sa pagkanta ng “You’ll Be Safe Here." Pinuri ni hurado Erik Santos ang relaxed vocal control ni Roli pero kailangan pa raw hanapin ang tamang placement ng boses dahil medyo throaty ang dating.
Sunod namang bumirit si Lerry Ibanez mula Taguig, at singer din ang kan'yang kapatid. Sa kanyang version ng “Dancing On My Own,” agad na napansin ni hurado Dingdong Avanzado na kahit very unassuming siya sa entablado, distinct ang boses niya mula pa lang sa unang nota.
Umabante si Lerry sa Kantapatan round at hinamon si defending champion Bezaleel Trestiza na kinanta naman ang “Iris” ng Goo Goo Dolls. Komento ni Punong Hurado Louie Ocampo, mahusay ang performance ni Bezaleel dahil sa ganda ng storytelling.
At sa dulo ng laban, walang nakapagpabagsak sa kanya sa trono. Hawak pa rin ni Bezaleel ang kampeonato.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.
