← Back to Home
Jugs, nagulat nang muling makapasok sa jackpot round ng Laro Laro Pick | It’s Showtime

Jugs, nagulat nang muling makapasok sa jackpot round ng Laro Laro Pick | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 9/16/2025, 5:27:24 AM933 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Jugs Laro Laro Pick#Jugs Showtime#Jugs Laro Laro Pick Jackpot#Laro Laro Pick Jackpot#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick Showtime#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Karylle#Darren Espanto#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#

Hala, may mumu! As in na-mumu-la sa kilig! Ang source of feels ng buong bayan, JM Ibarra and Fyang Smith a.k.a. JMFyang, bumisita sa “It’s Showtime” at naghatid ng good vibes sa isang fun sayawan with their “Ghosting” co-stars Zach Guerrero at Vivoree. 

Hindi tulad ng mga ‘ghosters’ na nang-iiwan, sina JM at Fyang, always together, forever. Ano pa nga ba ang ibang bagay na ayaw nilang maglaho? Pera? Blessings? Aso? 

Hindi naman maglalaho ang kilig at saya dahil for the first time, in-announce ng JMFyang na magkakaroon ng Season 2 ang hit series nilang “Ghosting.” 

Mga kama’y nila’y sanay na sanay sa trabaho. Sa kamay ng isang construction worker na rin ba mapupunta ang P600k na papremyo? Baka naman ang swerte ay dumapo sa isang Madlang People sa studio? Game time na sa “Laro Laro Pick!” 

Time out muna sa pagpukpok ng martilyo, dahil maglalaro muna ang mga masisipag na construction workers sa game arena. Kasali rin sina Teddy Corpuz, Ryan Bang, Ion Perez, at Jugs Jugueta to represent the madlang studio audience.

Only rose among the thorns si Adel. Bihira tayong makakita ng babaeng construction worker pero si Adel ang patunay ng lakas ng kababaihan. Dati siyang OFW na tinulungan ng isang kakilala na makapagtrabaho bilang grouter sa construction site. Kahit mahirap man ang trabaho, malaking tulong ang kinikita para sa pamilya, lalo pa't isa siyang single parent at itinataguyod ang pag-aaral ng anak. 

Carpentry naman ang specialty ni Tiano, na kung mananalo ng P600k ay magtatayo ng negosyo at iiwan ang pagko-construction dahil prone raw ito sa disgrasya. Curious lang sina Vhong Navarro at Jhong Hilario–bakit maraming construction workers na absent tuwing Lunes? Itago na lang natin sa tawag na “hangover.” 

Mason naman si Ram, four years nang single parent sa dalawang anak matapos pumanaw ang asawa. Minsa’y kulang ang kinikita, pero mabuti na lang at may kapatid siyang hindi sila pinapabayaan na mag-aama. Hindi man niya pinangarap maging construction worker dahil ang gusto niya’y maging engineer, pagbubutihin na lang niya sa trabaho para matustusan ang pag-aaral ng anak, at malay natin, ang anak niya ang tumupad sa kanyang naudlot na pangarap. 

Samantala, chill lang si Aldy doon sa ‘gedli’ at may free massage pa from Neri. 

Chill lang din ang laro sa “Illuminate or Eliminate” kung saan swerte ang nagdikat ng kapalaran ng 12 players na umabante sa “It’s Giving,” na ang challenge naman ay magbigay ng mga sangkap sa paggawa ng chop suey ayon kay Chef Wado Tan Siman. Hugot to the max naman ang construction workers sa sing-along round na “You Gotta Lyric” featuring “Pusong Bato.” 

Pitong players ang nagharap sa “PILImination” kung saan isa lang sa kanila ang makakapili ng bote na may lamang tubig na naging kulay pula. At ito ay si Jugs! Kaya naman na-excite ang madlang studio audience! 

Second time na ni Jugs sa jackpot round. But this time, ang Pot money ay P600k samantalang ang Li-Pot offer ay umabot sa P40k. Bumunot si Jugs kung ilang Madlang People ang maghahati-hati sa premyong kanyang makukuha. At dahil 15 ang nabunot niya, marami-rami ang siguradong makakatanggap ng biyaya. Ang tanong na lang ay kung susugal ba si Jugs sa Pot o tatanggapin ang offer sa Li-Pot. 

Kung no’ng unang salang ay matapang niyang sinagot ang Pot question, sabi ni Jugs ay natuto na siya, at ayaw niyang manghinayang pa ulit. Kaya dito na siya sa sigurado, ang 40,000 pesos na paghahati-hatian ng Madlang People sa studio.

Good decision naman dahil nang basahin ni Jhong Hilario ang tanong na, “Sa kantang ‘Isang Linggong Pag-Ibig,’ anong araw ang sinasabing puno ng pagmamahalan?” si Jugs, nalito. Kayo, Madlang People, alam n’yo ba ang sagot dito? 

Heto na ang inaabangan na next round ng kantahan sa “Tawag Ng Tanghalan” Year 9. 

Parang sunshine sa entablado ang awra ni  Bezaleel Trestiza mula Cavite, na member ng isang theater group. But this time, solo muna siya sa stage, singing “Himala” by Rivermaya. Na-enjoy ni hurado Erik Santos ang performance. Aniya, powerful ang vocals ni Bezaleel na perfect match sa powerful nuances niya. 

Si Larcy Cajobe ng Zambales, ibinuhos din ang kanyang best. Pangarap niyang maging politician upang maglingkod sa bayan, pero dito muna siya nangampanya sa harap ng mga hurado, singing Silent Sanctuary’s “Sa’yo.” Komento ni Ogie Alcasid, mahusay ang pagtatanghal, ngunit payo nito, mas simplehan pa next time. Sapat na ang tamang pagkukuwento nang may puso. 

Si Bezaleel ang umabante sa Kantapatan kung saan inawit niya ang “’Di Na Muli.” Hinamon ni Bezaleel si defending champion Ameka Manalo, na kinanta ang “Kapalaran.” 

Youthful at palaban kung ilarawan ni Punong Hurado Louie Ocampo si Bezaleel. “Another nice day” naman ang sabi niya kay Ameka, pero, mukhang nakulangan si Maestro at sinabing sana nag-level up pa ang performance niya. 

Sa huli, naagaw kay Ameka ang golden mikropono matapos siyang makakuha ng score na 91.7% na mas mababa kumpara sa 94.3% na nakuha ni Bezaleel, ang bagong kampeon.


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.