Narito ang headline ng mga balita! Madlang People, caught on cam ang malalaking tawa dahil sa endless surprises ng "It's Showtime" family ngayong Biyernes. Sa lagay naman ng panahon, ‘Bagyong Swerte’ ay tatama kaya ngiti na para ma-attract ang biyaya.
Sa balitang showbiz naman tayo, laman ng "Headlines" ang Ppop best boys, BGYO. Namataan ang grupo na humahataw sa Showtime entablado habang nagpapakalat ng kilig at hotness sa buong studio. LIVE performance nila ng "Headlines," tinutukan ng mga tao.
May pa-recap din sina Nate, Mikki, JL, Akira at Gelo sa mga recent headline-worthy performances nila sa iba't ibang panig ng mundo, kabilang na rito ang participation nila sa Summer Sonic Bangkok 2025 sa Bangkok, Thailand at sa Philippine EXPO 2025 sa Japan.
Narito naman ang headline sa game arena—POT money, umabot na sa P600,000, kaya excited ang lahat kung makukuha na ba ng isang deserving player ang jackpot. For today's "Laro Laro Pick," mga sorbetero, lifeguards, car wash attendant, at fish vendors ang sumubok sa kanilang swerte. Nakilaro rin sina Karylle, Kim Chiu, Teddy Corpuz at Ion Perez para sa madlang studio audience.
Nakaka-attract ng good vibes ang simpleng ngiti ni Ronald, isang sorbetero mula Laguna. Kahit hirap nang maglakad, game pa rin sa sayawan. Dati siyang panadero at helper sa bakery. Ngayo'y naglalako ng sorbetes. Mainit man ang panahon at mabigat ang tulak-tulak na ice cream cart, todo-kayod pa rin si tatay para sa pamilya na nagpapatibok ng kanyang heart.
Mula General Trias, Cavite naman si Armando; 1970s pa nagsimula bilang sorbetero. Sa edad na 72, bakas na sa kanyang balat, pangangatawan at mga mata ang pagod. Masakit isipin na sa edad niya'y patuloy pa rin siyang kumakayod. Pero masaya siya dahil siya mismo ang gumagawa ng ice cream na binebenta niya araw-araw. Kapos man sa buhay ay hindi nakakalimot na mag-share sa iba, lalo na sa mga bata na napapasaya ng ice cream niya. Kasintamis naman ng ice cream ang mensahe ng asawa ni Tatay Armando na proud na proud sa kanyang pagsisikap, na kahit kailan ay hindi niya pinabayaan ang kanilang pamilya. Sa paparating na Pasko, tiniyak ni Vice Ganda na magiging masaya ang selebrasyon ng pamilya ni Tatay Armando.
Game time! Sa Illuminate or Eliminate, hindi man umilaw ang kahon ni Tatay Armando, tapat naman si Meme Vice sa kanyang pangako na magliliwanag ang tahanan nila sa darating na Pasko. Kaya para na rin siyang nanalo.
Sa It’s Giving round, ang challenge ay magbigay ng mga tradisyonal na meriendang Pinoy ayon sa listahan ni Chef Sharwin Tee. Dito naman ay na-eliminate si Tatay Ronald, pero katulad ng lahat ng players ay mag-uuwi pa rin siya ng P1,000.
Sa You Gotta Lyric, “Awit ng Barkada” ng Apo Hiking Society ang bida sa sing-along, at isa lang ang nakahula nang tama sa mga nawawalang lyrics ng song. Diretso na sa final game si Leticia, isang fish vendor. Ma-catch kaya niya Leticia ang swerte?
Si Leticia, fish vendor, na nga ba ang mag-uuwi ng "Laro Laro Pick" jackpot prize na P600,000? Kuwento niya, napunta siya sa paglalako ng isda dahil sa husay mag-sales talk. At ngayong araw, suot ang kanyang mga pampaswerte, isang lucky bracelet and her lucky color blue na shirt, ready na siyang maglaro.
Agad-agad, P40,000 ang naging offer sa Li-Pot. No’ng una, gusto talagang sumugal ni Leticia sa Pot dahil pakiramdam niya’y dinala siya ng kapalaran sa pagkakataong ito. Pero tila nagkaisa ang Madlang People sa pagtaas ng “Li-Pot” boards, kaya lalo siyang naguluhan hanggang sa piliin niya ang P40,000 Li-Pot offer.
Kinabahan ang lahat nang malaman na ang Pot question sana ay tungkol sa isda, na parte ng hanapbuhay ni Leticia. Ang tanong: “Anong uri ng isda si Nemo?” Mabait ang kapalaran, dahil sa huli, tama ang naging desisyon niya na huwag nang sumugal pa. Masaya siyang uuwi na may dalang P40,000 para sa pamilya!
Narito naman ang mga nagbabagang balita sa "Tawag Ng Tanghalan Year 9."
Dalawa man ang nakatapat, hindi nagpasindak ang humahamon na si Ace Espinosa sa Kantapatan Round. Love is in the air sa kanyang rendition ng “Ngayon at Kailanman” ni Basil Valdez. Ayon kay hurado Erik Santos, na-enjoy niya ang performance dahil enjoy na enjoy rin si Ace habang kumakanta, pero dagdag niya, mga adlibs ay medyo napasobra.
Kasintaas ng mga pangarap ni Jay Mark Calderon ang kanyang tinig, singing "If Ever You're In My Arms Again." Komento ni hurado Kyla, solid ang high notes ni Jay Mark.
OPM classic meets Gen Z ang atake ni Ameka Manalo with her rendition of the Pilita Corrales classic "Dahil Sa'yo." Para kay Maestro Louie Ocampo, punong-puno ng class ang performance, na parang may dalang magic si Ameka sa entablado.
Dating kampeon ang panalo. Sa pagitan ng dalawang mang-aawit na nag-aagawan sa golden mikropono, tinig ni Ameka ng nanaig sa entablado.
