Comeback ang peg ng araw na ‘to, puno ng saya mula umpisa hanggang dulo. Kantahan para sa lahat ang hatid ng grupong sa 'It's Showtime" entablado ay nagpasikat. Heto na ang mga cool kids na rakista, ang IV of Spades, rocking our world with their latest track, "Aura." Minsan ay nonchalant lang sila pero kahit simple lang ang galawan, kilig na kilig ang buong bayan. Tungkol saan nga ba ang kantang "Aura"?
At parang icing on the cake, dumaan pa sina BINI Maloi at BINI Colet. Blooms, may special invitation ang ‘Macolet’ ng girl group na love ng buong nation.
Nag-uuulan sa labas, kaya nagpaulan din ng biyaya sa studio. Sa "Laro Laro Pick," umabot na sa P600,000 ang papremyo. Ang bumida sa game arena ay mga bagger, cellphone technician, office secretary, at solo parent, samantalang sina Teddy Corpuz, Darren Espanto, Ryan Bang, at Ion Perez naman ang kakampi ng madlang studio audience.
Nakakuwentuhan ng hosts si Cecille, secretary ng mga doktor. Pinakamahirap daw sa trabaho niya ay ang pakikitungo sa mga patients na walang patience. Pero kahit pa ganoon, pinipili niyang ngumiti dahil alam niyang bawat taong humaharap sa kanya sa ospital ay maaaring may mabigat na pinapasan sa kalusugan.
Inspirasyon naman ang dala ni Inday, office staff sa isang ice cream company at proud solo parent sa limang anak since 2010 matapos "magloko" ang ex-partner niya. Ramdam ang bigat ng pinagdaanan ni Inday lalo na’t napakabata pa ng mga anak noon. Pigil ang pagluha niya pero ramdam ang naghahalong sakit at katatagan sa likod ng mga ngiti. Nang tanungin ni Vice Ganda kung ano ang bitbit niya no’ng umalis kasama ang mga anak, "sakit" ang naging tugon ni Inday sabay turo sa kanyang puso. At naramdaman nga ni Meme ang sakit na 'yon kaya niyakap si Inday upang pagaanin ang nararamdaman nito.
Agaw-atensyon naman si Toto, isang cellphone technician na parang pamilyar daw kay Vice Ganda. Biro ni Meme, 'napuksa' niya ito noon sa isang laro na may mga zombies. Pagkatapos ng tawanan, serious mode si Toto nang ikuwento ang buhay bilang cell phone technician for 17 years. Solo parent din sa anak niyang kasalukuyang nasa senior high school, kaya naman nagsisikap siya para sa pangarap na mapagtapos ang anak.
Kasisimula pa lang ng laro ay umatras agad ang swerte ng hosts. Ligwak silang lahat sa Illuminate or Eliminate. Sa It’s Giving, hinarap ng natitirang 12 players ang tanong na, “Magbigay ng isa sa 12 letters ng English alphabet na bihirang gamitin.” Karaoke hit na "Nakapagtataka" naman ang kinanta nila sa You Gotta Lyric.
Sa PILImination Round, ang player na makakapili ng kahon na may dilaw ng confetti at bola ang siyang aabante sa final game at magkakaroon ng pagkakataon na maiuwi ang premyong higit sa kalahating milyon. Ang lucky stars of the day ay lumiwanag kay Jane, isang secretary.
Sa PILImination Round, ang player na makakapili ng kahon na may dilaw ng confetti at bola ang siyang aabante sa final game at magkakaroon ng pagkakataon na maiuwi ang premyong higit sa kalahating milyon. Ang lucky stars of the day ay lumiwanag kay Jane, isang secretary.
Si Jane, na dati ring teacher, ang nakapasok sa jackpot round. Kung siya'y mananalo ng P600,000 today, hiling niya na muling mapag-aral ang kapatid na napilitang huminto dahil sa hirap ng buhay. Twenty thousand pesos ang pinakamalaking pera na nahawakan niya sa buong buhay. Kaya tinapatan 'yan ni Vhong Navarro ng P25,000 sa Li-Pot hanggang sa umabot pa ng P50,000 ang offer, na tinanggap ni Jane. Wala nang patumpik-tumpik pa! Dito na siya sa siguradong maiuuwi para sa pamilya.
Good decision ang ginawa ni Jane dahil nang subukan niyang sagutin ang POT question, na-mental block siya sa loob ng limang segundo. Ang tanong: “Ano ang napiling pangalan ng kasalukuyang Santo Papa ng Catholic Church na si Robert Francis Prevost?” Kayo, Madlang People, masasagot n’yo ba ang POT question na ito?
Habang bumubuhos ang ulan sa labas, tuloy-tuloy naman ang pagbuhos ng talento sa "Tawag Ng Tanghalan" Year 9 entablado.
Unang umawit si Ameka Manalo ng Olongapo City ng “I Dreamed A Dream" in a performance so dreamy. Hindi nakapagtataka nang purihin siya ni hurado Nyoy Volante. "Beautiful singing,” paglalarawan ng hurado. Dagdag nito, malinaw ang pagbigkas ng salita; pati paghina at paglakas ng boses ay kontrolado.
Next up, si Kenny Caffe ng Zamboanga City na kumanta ng “May Bukas Pa.” Bituin Escalante thought of the word "bombastic" para ilarawan ang performance, pero aniya, mas maganda kung "ikinukwento" ang pagkanta at hindi raw lahat ng alas ay agad-agad inilalabas.
Huling sumalang si Jay Mark Calderon ng Subic, Zambales na binigyan ng bagong tunog ang love song na “Maging Sino Ka Man.” Sabi ni Punong Hurado Louie Ocampo, gustong-gusto niya ang storytelling na ipinakita ni Jay Mark.
Dahil bakante ang trono, dalawa sa kanila ang nagharap sa Kantapatan. Ito ay sina Ameka at Jay Mark.
Si Ameka, nagpakilig sa kanyang bersyon ng “Pangako Sa’yo”—parang love letter na binabasa sa maulang hapon. Si Jay Mark naman, pinili ang “It Might Be You” na ramdam din ang sincerity at kilig.
In-announce ng hosts na nakakuha ng 95% ang winner, at tinawag ang pangalan ni Jay Mark, kaya na-shock si Ameka nang banggitin rin ang pangalan niya. It's a tie! Silang dalawa ang may hawak ng golden mikropono at muling maglalaban bukas!
