← Back to Home
Ryan Bang, natakot sa ginawa ni black belter Richard | It’s Showtime

Ryan Bang, natakot sa ginawa ni black belter Richard | It’s Showtime

BER months na, Madlang People! Samahan ang It's Showtime family para i-celebrate ang simula ng Setyembre ng may ngiti at saya.

🕒 9/1/2025, 5:05:44 AM823 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeAlwaysInOurHearts#Laro Laro Pick#Richard#black belter#Ryan Bang#Teakwondo#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Amy Perez#Karylle#Ion Perez#Teddy Corpuz#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga#MC#Lassy

BER months na, Madlang People! At sino pa nga ba ang inaabangan ng lahat sa pagpatak ng September 1, kundi ang ninong ng lahat, walang iba kundi si Jose Mari Chan! Live na live niyang inawit ang kanyang mga walang kupas na Christmas classics, kabilang na ang paborito ng lahat na "Christmas In Our Hearts." 

Feeling blessed si Ninong Joe dahil looking forward ang mga tao na mapakinggan siya tuwing Pasko, lalo na’t sa Pilipinas nagsisimula ang pinakamatagal na Christmas season sa buong mundo. At syempre, may wish na rin agad si Ninong Joe sa pagsisimula ng BER months celebration—prosperity para sa buong nation. At para bang a new meme is born nang si Ninong Joe ay magtago sa likod ni Anne Curtis. So cute and sweet!  

Feel na feel mo na ba ang Kapaskuhan? Siguradong marami ang excited ngayong nagsimula na ang BER months. Excited din ang lahat sa tawa, sayawan at kantahan na may kasamang swerte at papremyo sa LARO LARO PICK, kaya let's go! 

Ang players of the day ay mga varsity players, labanderas, taxi drivers, at financial advisors na todo bigay agad sa dance floor. Ganyan nga, galaw galaw, para ang swerte ay hindi maligaw! Madlang studio audience represent, 'yan naman ang sigaw nina Ion Perez, Jackie Gonzaga, Teddy Corpuz, at Ryan Bang. 

Na-inspire ang lahat kay Mr. Wong, na 19 years nang taxi driver. Kahit maulan at matumal ang kita, todo overtime sa byahe para itaguyod ang pamilya. Mabait naman daw ang kanyang amo na 'mahaba' ang pasensya kahit minsan 'short' ang boundary niya. Overtime dito, overtime doon, basta’t para sa anak na nasa kolehiyo, go lang ng go! 

Present din si Daday, 6 years nang labandera. Pero time out muna sa pagkusot, piga at sampay, dahil mag-e-enjoy muna siya sa game. Si Richard na black belter, aba’y nag-sample ng moves na pangmalakasan, 'yun nga lang si Ryan ang kinabahan. At si Ai, ang financial advisor na madiskarte sa pera, kung siya raw ang manalo ng 300,000 pesos, hindi lang win, kundi well-invested pa ang ending. 

Sinimulan ang laban sa “Illuminate o Eliminate” round, kung saan nagsipili ng tamang box ang mga players para makatawid sa “It’s Giving” na ang challenge ay “Magbigay ng buong pangalan ng mga FAMAS Best Actress simula 1985.”  Pitong players ang natira at dumiretso sa “You Gotta Lyric” phase kung saan Christmas ang feels with the song “Noche Buena” ni Marco Sison. All 7 players, perfect! 

Sa huli, dumating ang pinaka-exciting na “PILImination Round,” kung saan kanya-kanyang pili ng giant Christmas boxes ang mga natira. Isa sa mga boxes ay may yellow balloon na magdadala sa player sa final game. At ang pinalad na makakuha nito ay ang taxi driver na si Nel! 

Sa Jackpot Round, 350,000 pesos POT money ang naghihintay kay Nel. Sa araw-araw, kailangan niyang kumita ng 1,000 pesos para sa boundary. Kaya kung kaya raw mag-drive ng 24/7, gagawin niya para sa pamilya sa Bicol lalo na’t may anak siyang nag-aaral. Malayo sa pamilya, sa garahe pa siya nakatira pero kaunting tiis muna dahil alam niyang darating ang panahon, buhay nila’y aahon.

Agad siyang inalok ng 20,000 pesos sa LI-POT hanggang sa tumaas ng 40,000 pesos ang offer, na tinanggap na ni Nel, dahil sabi nga niya, ang halagang ito ay puwedeng makapagbago ng buhay ng kanyang pamilya.

Pero kung sumugal siya sa POT, ang tanong sana ay: “Ilan ang miyembro ng Nation’s Girl Group na BINI?” Kayo, Madlang People, masasagot n’yo ba ito? 

At, "sinagot" na rin ni Anne si Vhong Navarro nang lumuhod ito sa harap niya habang nagtatawaran sa Jackpot Round. Ang lakas maka-proposal, pero imbes na singsing, pera ang labanan!  

World-class voices ang ang maririnig sa pagsisimula ng September.  

Unang kumanta for today's "Tawag Ng Taghalan" Year 9 episode si Lalain mula Candelaria, Quezon, na inawit ang “Say Something.” Kapatid siya ng dating TNT contender na si Villier Villalobo, at talaga namang nasa dugo ang talento. Pinuri ni hurado Jed Madela ang sweet vocal quality ni Laline, as sweet as her name. Pero payo ng hurao, huwag na siyang mag-hold back sa next performance.  

Sunod na sumalang si Dave mula Zamboanga Sibugay, na nagbigay ng heartfelt rendition ng “Makita Kang Muli” ng Sugarfree. Certified lola’s boy si Dave at palagi raw niyang kinakantahan ng mga Bisaya songs ang kanyang Lola, pero ngayon, Madlang People muna ang kanyang hinarana. "You started strong," komento ni hurado Bituin Escalante. Dagdag niya, maganda ang dynamics ni Dave mula umpisa hanggang huli. Kaya sa Kantapatan Round, siya ang umabante.  

Sa pagpapatuloy ng laban sa Kantapatan, ginalingan ni Dave sa pagkanta ng "Tatsulok." Hinamon niya si defending champion Jinky Cawayan, na nagpakitang-gilas naman sa pagbirit ng "Chandelier." 

Ayon kay Punong Hurado Marco Sison, swak ang timpla ng performance ni Dave, habang halatang batak na batak naman ang vocal prowess ni Jinky.  

At sa dulo ng tapatan, isa lang ang pinili ng hurado. Si Jinky pa rin ang may-ari ng golden mikropono.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Ryan Bang, natakot sa ginawa ni black belter Richard | It’s Showtime | Cheezmis