← Back to Home
Jhong, may panlaban sa knock-knock joke ni Max Collins | It’s Showtime

Jhong, may panlaban sa knock-knock joke ni Max Collins | It’s Showtime

Ang ‘Pak Na Comeback’ nina Meong, Arnel at Chabo sa “Escort Mo, Show Mo”

🕒 8/9/2025, 5:01:58 AM599 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Max Collins#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Bela Padilla#Darren Espanto#It's Showtime#Showtime#SaShowtimeLangPo#Escort Mo Show Mo#Negi#Vice Ganda#Anne Curtis#Karylle#Kim Chiu#Jugs#Teddy#Ion Perez#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga#Amy Perez#Ryan Bang#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Argus#Imogen#Jaze#Kulot#Lucas#Madlang People#Step In The Name of Love#Breaking Muse#MASAsagot Mo Ba

Umiinit pa lang ang weekend, todo hataw na ang galawan. Dadalhin ka sa tuktok ng mundo ng Legit Status, with their dance moves that conquered the global hip-hop scene. Let’s celebrate their win! Dahil ang panalo nila, Pinoy pride ang dala!  

Girl power naman ang sigaw ni Jackie Gonzaga kasama ang Baby Dolls, combining beauty and intense dance floor energy. Paul Salas joins the crew. Bawat galaw, super hot at gwapo! Kaya makisayaw na at huwag magpa-late dahil maging sa dance floor, we, Pinoys, dominate!  

Sa wildcard round ng “Escort Mo Show Mo,” bumalik ang tatlong gwapo na may dalang panibagong talento but with their same old charm.  

Wala pa ring kupas ang lip bite ni Meong ng Brgy. San Antonio, San Pedro, Laguna. Sabay pa ng dance moves na parang umiikot ang mundo sa bilis at galing, kaya siguradong mapapahawak ka sa upuan habang ang puso mo’y hoping na kanyang mapansin.  

Mainit pa sa tanghali ang pasabog ni Arnel ng Brgy. San Agustin Trece Martires, Cavite with his hot dance number na may effect pang tilamsik ng water. Sa kanyang performance na wet and wild, kilig ng girls ay hindi ma-hide!  

Swabe with a touch of angas naman ang comeback ni Chabo ng Brgy. San Fernando, Malvar, Batangas na sinayaw ang “DAM” ng SB19. Malakas ang dating, sa bawat galaw at paandar niya ika’y mapaptingin.  

Pero hindi lang talent at pogi points ang labanan. Dito sa Q&A round na tatawagin nating “Sa Barangay Ka Magpaliwanag,” talino at pagpapakatotoo ng wildcard escorts ang susubukin. Ang tanong na kanilang sasautin: “Bukod sa pagiging gwapo, bakit ikaw ang dapat manalo?" 

Sabi ni Meong, panlaban niya ang kanyang karisma na parang may magic na dala. Si Arnel naman, busilak na puso ang ipinunto. At si Chabo, ipinagmalaki ang lakas at inspirasyon na kanyang naibibigay sa mga ka-barangay. 

Magkakalaban man sa “PAK NA PAK NA COMEBACK,” magkakaibigan naman sila sa likod ng camera. Sina Meong at Arnel, best friends pala kaya tuwang-tuwa sila nang parehong nakabalik.  

Kung ang mga escorts ay magkakaibigan, parang F.O. naman ang dramahan nina guest co-host Bela Padilla at Board Member Max Collins na may mainit na pasiklaban para makuha ang atensyon ng Lip Bite King na si Meong. Samantala, tulad ni Max ay na-impress din ang mga kasama niyang hurados na sina Anthony Jennings at Negi.  

Pagkatapos ng masayang face-off, si Arnel ang itinanghal na winner at pasok na siya sa Grand Finals.  

Malapit nang mapuno ang mga koponan, kaya naman mas tumitindi ang labanan sa “Tawag Ng Tanghalan” Year 9 

Ang acrobat performer ng Agusan Del Norte na si Bryan Escabal, pinatunayan na pwede rin siyang mag-shine sa tanghalan, singing “Sana’y Magbalik” by Jovit Baldivino. Pinuri ni hurado Jed Madela ang strong chest voice niya. 

From Naga City, dadalhin  ka ni Juns Denina sa ’City That Never Sleeps,’ singing “New York, New York” by Frank Sinatra. Good song choice, sabi ni hurado Bituin Escalante, pero dagdag nito, sa sobrang enjoyment ay minsan sumosobra sa showmanship, kaya payo niya, be careful with your tools. 

Goal ni badminton player Martin Lausa ng Toledo City, Cebu na maging smash hit ang performance, singing “Ako Muna” by Yeng Constantino. Nice vocal quality kung ilarawan ni hurado Erik Santos ang strength ni Martin, pero nabilagan niya ito sa simula dahil sa mga off parts na dala ng kaba. 

Sina Bryan at Juns ang umabante sa KanTapatan round. 

Sina Bryan at Juns ang umabante sa KanTapatan round kung saan kinanta ni Juns ang “Proud Mary” at “Kay Tagal” naman ang piyesa ni Bryan. Pagkatapos ng matinding bosesan, hinirang na bagong kampeon si Bryan. 

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.