Abrakadabra, pagbilang ng isa, dalawa, ang good vibes nandito na. Parang salamangka, mapapa-“ay, wow” ka sa mga punchline na panlaban sa mga problema at kalungkutan,
Gandang nakahuhumaling na parang mahika–ganyan ang beauty ni Shuvee Etrata, na nagbabalik sa “It’s Showtime” bilang guest co-host. Dahil matagal nawala, maraming kuwento ang island girl natin. At mayroon pang pa-blind item?
Sa “MASAsagot Mo Ba,” hinarap ng Team Shocking nina ABS-CBN News reporters MJ Felipe, Lyza Aquino, at Jeff Caparas ang Team Smiling nina comediennces Cai Cortez, Via Antonio, at Rubi Rubi. Ang tanungan, nauwi sa hugutan dahil sa topics na “No ID, No Entry” at bilyaran!
Sa isang kumpas ng magic wand, uulan ng charm at spell in an instant sa pagdating nina Edwin at Alvin sa “Escort Mo Show Mo,” ang contest para sa mga may kakaibang definition of gwapo.
Hindi basta-basta mauubos ang humor, confidence at killer smile ni Edwin ng Brgy. 61 Tondo Manila, pero ang bangs niya kaunting-kaunti na lang. Feel ni Edwin na mas cute siya ‘pag may side bangs. Pero hirit ni Vice Ganda, parang mangga na may isang dahon sa gilid. Nagtatrabaho siya bilang magician, kaya tanong ng ‘Showtime’ fam, bakit hindi pwedeng i-magic ang mukha niya? Sagot naman ni Edwin, hindi na kailangan pa ng salamangka dahil ang kaguwapuhan niya’y natural, walang halong kemikal. Tatalab ba ang karisma at mga patawa niya sa mommy ni Jackie Gonzaga?
Kung si Edwin ay may side bangs, kalbo is the new pogi naman ang peg ni Alvin ng San Jose Del Monte, Bulacan. Ang masasabi lang niya sa kalaban, tol, pare-pareho raw kayo ng kahahantungan. Pati si Meme Vice ay ‘di maiwasang kabahan kung pagkakalbo ang usapan.
Hindi lang puro porma ang dalawa. Dahil sa talent portion, mas nagpakitang-gilas ang mga pogi sa mga paandar nilang walang sablay at mali. Ang ‘Showtime’ studio, naging circus!
Bumilib sina Board Members Bianca Umali, Paul Salas, at Iyah Mina sa lakas ng appeal at talento dalawang escorts. Si hurado Bianca, nasilaw sa kinis ng balat ni Alvin, kaya ang tanong niya, “Paano ‘yan name-maintain?”
Maintain na maintain ang excitement sa “Tawag Ng Tanghalan Year 9.”
Parang may dalang time machine si Erich Morales ng Lucban, Quezon dahil iduduyan ka niya back to your youthful days, singing “Duyan” by Sarah G.
“Nakakabata” kung ilarawan ni hurado Marco Sison ang performance, na nagustuhan niya dahil malinaw ang pagkakakanta.
Nabilangan man pero hindi bumigay sa laban si Justine Ferrer ng Negros Occidental. Boses niyang tunog classic, binigyang buhay ang timeless OPM hit, “Kastilyong Buhangin.” Pinuri naman ni hurado Nonoy Zuniga ang texture ng boses ni Justine na bumagay raw sa awitin.
Si Erich ang babalik para hamunin ang defending champion sa KanTapatan round.
