← Back to Home
Masagot kaya ni Jugs ang Jackpot question sa Laro Laro Pick? | It’s Showtime

Masagot kaya ni Jugs ang Jackpot question sa Laro Laro Pick? | It’s Showtime

Masagot kaya ni Jugs ang Jackpot question sa Laro Laro Pick? | It’s Showtime

🕒 8/21/2025, 6:32:27 AM825 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It's Showtime#Showtime#LiPotNaSaShowtime#Laro Laro Pick#Jugs Jugueta#Presa#jackpot question#Vhong Navarro#Vice Ganda#Ogie Alcasid#MC Muah#Lassy#MC and Lassy#Amy Perez#Teddy Corpuz#Ryan Bang#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Domiguez

Sa bawat paalam may kasunod na hello, parang ulan na susundan din ng magandang panahon, puso mo'y makakahon at maghihilom. Sa mga ganitong araw, sakto ang awitin ni Darren Espanto na ‘Paalam Muna Sandali’, na nagsilbing "PBB Collab" eviction song.

Mula sa mellow na tunog, biglang nag-shift ang mood. Upbeat vibe naman ang dala ni Darren na sinayaw habang kinakanta pa ang bagong single niyang "ANNAB" composed by our resident DJ, MOD. Kinuwento rin ni Darren kung paano nabuo ang dalawang kanta. Balita namin pati si Ogie Alcasid ay may kinalaman din kung paano napunta ang "ANNAB" kay Darren.

At, hello rin sa tandem na na-miss natin! Welcome back, MC and Lassy!

Ang bawat araw, may bagong hello. May panibagong kwento, panibagong saya, panibagong panalo. At dito sa “Laro Laro Pick,” hindi lungkot ang sasalubong sa ‘yo kundi bonggang papremyo

Ngayong araw, kilalanin natin ang 24 players—mga saleslady, mga karpentero, bouncers, at pharmacists na ready makisaya. Mas riot pa dahil kasama ang hosts na sina Teddy Corpuz, MC, Lassy, at Jugs Jugueta, na agad nagpakwela.

Nakilaro si saleslady Cel na pinipilit magig okay kahit may mabigat na pinagdadaanan, kaya pinatawa siya nina Vhong Navarro, Ogie Alcasid, at Vice Ganda. Kasama rin ang kaibigan niyang si saleslady Cheng na, gaya ni Cel, hindi rin nagpaalam na pupunta sa studio, kaya nagkabukingan on-air. Natawa rin ang lahat nang mapagkamalang si Lotus Feet si saleslady Jhosa, at nabansagang parang transformer si bouncer Dudz. At hindi rin nagpahuli ang madlang pharmacists, kaya naisip ni Meme na gusto niyang mag-imbento ng 'happy pill' na tatawagin daw niyang ‘memenamic.’ Lahat sila ay nabigyan agad ng tig-1,000 pesos .

Pagdating sa “Illuminate o Eliminate” round, kulay ng kahon ang naging basehan kung maghe-hello ba ang chance na manalo o goodbye na kay player. Sa “It’s Giving” naman, ang challenge ay magbigay ng buong pangalan ng mga sikat na tao na makikita sa barya at perang papel ng Pilipinas. Pero hindi pa doon natapos ang saya, dahil sa “You Gotta Lyric” round, sabay-sabay nilang inawit ang “Hinahanap-Hanap Kita,” at sa galing ng lahat ay walang natanggal, kaya extra 1,000 pesos agad para sa natirang pitong manlalaro.

Hanggang sa umabot sa “PILImination” round kung saan kanya-kanyang pili ng buzzer ang pitong natira. Isa sa mga buzzers na ito ay nagkulay asul, at ang nakapili ay ang karpenterong si Alex.

Pero bago magsimula ang jackpot round, nilinaw ni Vice Ganda ang nangyaring pagkakamali sa "It’s Giving" kung saan ang challenge ay magbigay ng buong pangalan ng mga sikat na tao na makikita sa barya at perang papel ng Pilipinas. Upon reviewing, naging mas malinaw na ang nasabi pala ni Alex ay 'Nori Aquino' sa halip na 'Cory Aquino,' dahilan para siya ay ma-eliminate. Gayunpaman ay nangako si Vice ng tulong para sa misis nito na malapit nang manganak.

Bumalik ang final six players for a second chance sa "PILImination Round." Madlang People ay nagbunyi dahil ang blue buzzer ay kay Jugs nauwi. Sa Jackpot Round, dalawa ang choice: “Pot” para sa 200,000-peso question o “Li-pot” kung saan may sure na cash offer. Umabot pa sa 50,000 pesos ang alok, pero si Jugs, sumugal para sa Madlang People na minamahal.

"Pot" ang kanyang pinili, ang tanong, “Ano sa Ingles ang prutas na presa?” Sagot niya ay “peach." Kung pamilyar ka sa teleseryeng “Forevermore” nina Enrique Gil at Liza Soberano kung saan nabanggit ang lugar na La Presa, ika'y magkaka-idea na ang 'presa' sa Ingles ay strawberry pala. Nag-sorry si Jugs sa Madlang People dahil hindi nakuha ang grand prize, pero good news pa rin dahil may dagdag na 50,000 pesos sa jackpot para sa susunod na batch ng players na sasabak bukas sa mga panibagong surprise.

Hello sa mga mga mang-aawit na ipinaglaban ang kanilang pangarap sa daily round ng "Tawag Ng Tanghalan Year 9."

Unang nagbigay ng hello sa entablado si Jaryl Ethan Gotos mula Pangasinan na kinanta ang OPM classic na “Beer” ng The Itchyworms. Teacher siya sa araw-araw, pero ngayong tanghali, magtuturo muna siya ng feels sa pamamagitan ng musika. Sabi nga ni hurado Erik Santos, hindi man perpekto ang lahat ng nota, ramdam naman ang bawat linya dahil puno ng conviction ang pagkukuwento niya sa kanta.

Sumunod namang bumirit si Yssabela Oruga mula Batangas. Mahilig daw siyang mag-bake, pero ngayon hindi cupcakes o pastries ang inihain niya kundi matamis na performance ng "I'm Here" ni Cynthia Erivo. Payo ni hurado Bituin Escalante, "bite your consonants," pero bukod doon, it was a gorgeous performance.

Si Yssabela ang umabante sa KanTapatan round kung saan kinanta niya ang “Buwan” ni Juan Karlos habang ipinaglaban ng defending champion na si Julius Lacandula ang kanyang titulo sa pamamagitan ng “Angels Brought Me Here.” Parehong puno ng emosyon at galing. "Excellent” kung ilarawan ni Punong Hurado Ogie ang dalawang performances, dahilan kung bakit nahirapan ang mga hurado.

Sa huli, hinirang na bagong kampeon si Yssabela matapos makuha ang score na 93.7%, na lamang kay Julius na nagtala ng 92.3%.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Masagot kaya ni Jugs ang Jackpot question sa Laro Laro Pick? | It’s Showtime | Cheezmis