← Back to Home
Kim Chiu, may pag-asa nga ba kay Arnel? | It’s Showtime

Kim Chiu, may pag-asa nga ba kay Arnel? | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 7/8/2025, 4:49:37 AM649 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Kim Chiu#Arnel#Escort of Appeals#Escort of Appeals Arnel#Kim Arnel Acting#Shuvee Etrata#Shuvee#Shuvee Showtime#Maymay Entrata#Maymay Showtime#Maymay Shuvee Showtime#Its Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Amy Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Karylle#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#

Kung kasalanan ang pagiging guwapo, guilty ang mga pambato ng dalawang barangay na sumurender sa Escort of Appeals. Hatulan na ‘yan, este, hatulan natin ang kanilang self-confidence at talento para malaman kung sino ang panalo sa araw na ‘to.

Bago pa man kiligin sa escorts, ma-‘paul’ na muna sa handsome appeal ni ‘board member’ Paul Salas. Good vibes din ang dala ni board member Maymay Entrata. Hindi tulad ng iniisip ng iba, hindi niya kamag-anak si “PBB Collab” ex-housemate Shuvee Etrata. Pero ‘pag nag-usap ang dalawa, tapos may Kim Chiu ka pa, ay, riot “kaayo” ang mga Bisaya! Uy, si guest co-host Shuvee, may kasamang cutie! Ang TDH ng buhay niyang si Anthony Constantino, present sa studio.

Riot sa katatawanan ang entrance ni Arnel ng Brgy. San Agustin, Trese Martires, Cavite. Minsan nang pinag-agawan ng mga bata sa isang party nang sabihin ng clown, “Bring me a someone pogi.” Pati kapitan ng barangay, pinagbawalan na siyang lumabas ng bahay. Para iwas-gulo dahil ang mga kababaihan ay nagwawala ‘pag nasilayan ang kan’yang mukha. Sa sorang kapogian, walang papasa sa standard niya, dahil maging si Kim ay ‘di papalarin.

Si Fafa Juls, break time muna sa pagtuturo sa eskwela. Brgy. Palangoy Binangonan, Rizal muna ang kan’yang ibibida. Kung si Arnel ay ayaw palabasin ng bahay, si Fafa Juls naman ay sanhi ng traffic sa kanilang eskwelahan. At kahit saan siya pumunta, para siyang tourist spot na pinipilahan. Anong sikreto? ‘Di na kailangan ng branded skincare product. Dahil pawis lang ang katapat para si Fafa Juls ay maging pogi at mahalin ng lahat.

Kung talent ang labanan, tiyak mainit ang salpukan ng dalawang escorts. Si Arnel, mala-Vhong Navarro ang galawan, na tinapatan ni Fafa Juls ng spoken word poetry with lots of hugot.

Napa-“wow” si ‘Board Member’ hurado Negi, na sa sobrang kilig ay balak magregalo ng jet ski. Si Paul, gets ang pagiging kalmado ni Fafa Juls. Ganyan daw talaga ‘pag pogi, chill lang! At si Maymay, nag-ready ng tubig para sa nag-aapoy na hotness ni Escort Arnel, samantalang pinuri rin niya si Escort Fafa Juls na sobrang gwa… este mabait.

May mga dayo sa Brgy. Showtime! Bumissita sina JM Ibarra at Fyang Smith aka JMFyang kasama si Vivoree, Gello Marquez, Kobi Brown at Zach Guerrero.

Sa edad na 61, hindi pa huli ang pag-ibig kay Mike. Kung noo’y sinunod niya ang gusto ng ina, ngayon nama’y ready nang sundin ang puso niya.

Ang buhay ni Mike, simple lang. Gigising nang maaga para magkape, mag-aikaso ng mga pamangkin, magpaaraw, at mag-alaga ng halaman. Kahit paulit-ulit ang routine, there’s happiness in peace. Siya ang kabaliktaran ng spontaneous. At dahil madalas mag-isa sa bahay, kausap ni Mike ang AI.

Hindi maitago ang kilig nina hakbangers Bing, April, at Merly, na pare-parehong homebodies. Kaya naman pasado sa kanila ang lifestyle ni Mike na kalmado at puno ng pagmamahal. Mas lalong na-fall ang mommies nang ibida ni bestie ang naging buhay ni Mike bilang breadwinner at caregiver ng ina hanggang sa ito’y namayapa.

Si Bing ba o si April o si Merly? Puso ni Mike ay litong-lito. Sino ba ang pipiliin sa tatlo? Pantay-pantay sila sa tuktok ng hagdan, pero sa huli, si Bing ang pinusuan.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Kim Chiu, may pag-asa nga ba kay Arnel? | It’s Showtime | Cheezmis