← Back to Home
Toni, tinignan kung pasok sa qualities ng pagiging ESCORT si Joao | It’s Showtime

Toni, tinignan kung pasok sa qualities ng pagiging ESCORT si Joao | It’s Showtime

Toni, tinignan kung pasok sa qualities ng pagiging ESCORT si Joao | It’s Showtime

🕒 7/3/2025, 5:13:50 AM529 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Joao Constancia#Toni Fowler#Vice Ganda#Jhong Hilario#qualities#escort#Breaking Muse#ShowtimeLarongLaro#It's Showtime#Showtime#Anne Curtis#Vhong Navarro#Karylle#Kim Chiu#Darren Espanto#Jugs#Teddy#Ion Perez#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga#Amy Perez#Ryan Bang#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Argus#Imogen#Jaze#Kulot#Lucas

Suspended man ang klase sa ilang schools, pero heart mo pa rin ay surely feeling full. Dahil hindi man nakita si crush, siguradong sasaya pa rin ang araw mo ‘pag nasilayan ang kaguwapuhan nina Jhamer at Athan, ang mga pambato ng kani-kanilang barangay sa “Escort of Appeals.”

Teka, akala n’yo si Jhong Hilario?! Nagkakamali kayooo! Si Athan ‘yan, ang manok ng Bgy. Payatas, Quezon City. No’ng una ay hindi niya matanggap na pogi siya, pero naniwala na lang, dahil sabi ni mama. At kung ipapamana niya ang kan’yang mukha, kay contestant #2 Jhamer na lang, para maambunan naman ng kaguwapuhan.

Aba, hindi naman papayag si Jhamer, na ang kasabihan ay, “Ang tunay na kapogian ay hindi nakikita sa panlabas na kaanyuan dahil ito ay nakatayo na mismo sa inyong harapan." Siya naman ang Vhong Navarro ng Bgy. Manresa Quezon City.

Heto na ang sukatan ng appeal. Kanya-kanya silang da moves para ma-impress ang isang magandang dilag. Kung merong idinaan sa kanta, ang isa nama’y titig pa lang, hindi ka na papalag.

Tuloy ang puksaan sa talent portion! Hinay-hinay lang, boys, dahil sina hurado Toni Fowler at Maymay Entrata, mukha na-i-in love na. Si Ms. ‘Amakabogera’ Maymay, nahanap na si Mr. Amakabogera kay Athan. Si Mommy Oni, may bagong pamantayan. Sabi niya, ang kilig ay batay sa nakikita, naririnig, at nararamdaman Importante ang salita, at mas importante ang amoy ng hininga ng nagsasalita. Meme Vice Ganda, paki-check po ang hininga ng dalawa! Samantala, si hurado Joao Constancia, muntik ma-intimidate kina Athan at Jhamer. Kasi naman, nang magpasabog ang langit ng confidence ay sinalo na nila ang lahat. Pero sino ang mas angat?

Kailangan ng confidence at diskarteng malupit upang puso ni matchmate ay masungkit sa “Step In The Name of Love.”

Si Mheva, 60, masarap magluto. Dinuguan ang kan’yang specialty. At pang-muse ang kan’yang beauty. ‘Yan ang ‘inispluk’ ni bestie Ness. Pero hindi nito itinago ang ‘red flag’ ng kaibigan. Mahilig daw itong mang-okray tuwing sila-sila’y nagkukuwentuhan. Ang tanong tuloy ni Vice Ganda, “Pintasera ka ba o palabiro lang talaga?”

Sa kabila ng ilang ‘red flags,’ game naman for a date sina hakbangers Joey, photographer; Orly, real estate broker; at Rod, businessman, na pare-parehong consistent sa pag-akyat sa hagdan.

Sabi ni Mheva, hindi siya tumitingin sa panlabas na kaanyuan. Ayaw naman maniwala ni Meme Vice Ganda, kaya ang Mheva, papalitan daw niya ng Mema! Pero heto na nga, ang pinili niya ay si Rod. Eh, ‘di ROD to forever na ‘yan?

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Toni, tinignan kung pasok sa qualities ng pagiging ESCORT si Joao | It’s Showtime | Cheezmis