← Back to Home
PBB Gen 11 vs PBB Collab sa “MASAsagot Mo Ba?” | It’s Showtime

PBB Gen 11 vs PBB Collab sa “MASAsagot Mo Ba?” | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 7/26/2025, 5:28:33 AM594 wordsEN

ABS-CBN Studios

#MASAsagot Mo Ba#MASAsagot Mo Ba Showtime#PBB Gen 11 Showtime#PBB Collab Showtime#Kai#Rain#Jas#Emilio#Esnyr#Precious#Vince#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Karylle#Darren Espanto#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#

Happiness at tawa ay walang end this weekend kasama ang “It’s Showtime” family and their friends. Star-studded ang Sabado sa pagdating ng celebrity players na nagpuksaan sa “MASAsagot Mo Ba?” 

Pretty girls ang sakay ng unang jeep with “PBB Gen 11” alums Jas Dudley-Scales, Rain Celmar, at Kai Montinola, na pinatawa ang lahat sa mga kwentong commute nila. Join din ang “PBB Collab” squad nina Vince Maristela, Emilio Daez, at Esnyr, este, Precious Batumbakal. 

Kung jeepney love story ‘to, siguro bida sina Kai at Emilio, na parang may spark daw ang bardagulan? Kaya ang tanong ni Vice Ganda, may something ba sa dalawa? Teka, may umaapela. Dahil kung gandang pinag-aagawan ang usapan, lalaban si Precious d’yan. 

Laban na laban din si Rain sa pagharap sa tanong tungkol sa Tagalog translation ng wintermelon. “Malamig na melon,” hirit niya, with full confidence pa! Sa dami ng havey na entries, nag-OT na bhe, kaya panalo na ang Team PBB Collab with 2 points only. 

Panalo rin si Vice Ganda at ang pelikula niyang “And The Breadwinner Is” sa ginanap na 8th Eddy Awards.

Nagbabalik si Rufa Mae Quinto, this time, bilang Board Member sa “Breaking Muse” weekly finals. Ms. Rufa Mae, ‘yong muses po ang kikilatisin, hindi ‘yong sukat ng paa ng co-hurados mong sina Kyle Echarri at Ralph de Leon. 

Kung palaban sa awrahan, mas pasabog at kakaiba ang talent na inihanda ng tatlong weekly finalists. Kung sina Kim Chiu at Paulo Avelino ay may kissing scene under the rain sa pelikulang “My Love Will Make You Disappear,” aba, ginawa ‘yan nang live ni Muse Kris with Jameson Blake. Aktingan sa gitna ng ulan? With Jameson as leading man? Ginalingan! Pero, may nagtatampo. Si Ralph, sumama ang loob dahil hindi napiling leading man ni Kris. Bigyan ng chance si Ralph! Ang tanong: tototohanin kaya niya ang kiss?

Miley Cyrus, who? Si Muse Cici, strong independent woman sa kanyang “Wrecking Ball” performance. Buwis-buhay ‘yan? Pinakaba rin ni Muse Danica ang madla nang siya’y lumambitin at inalarma.

Matapos ang pabonggahan ng talent, galing ng weekly finalists sa debate naman ang nasubukan sa “Baranggaan” round kung saan nag-face off sina Kris, Cici, at Danica sa isang three-way battle.

Ano ang mas nakakatakot makasalubong sa gabi? Asong galit o multong pangit o holdaper na gipit? Para kay Kris, mas scary ang holdaper dahil sinong hindi kakabahan ‘pag pera na ang usapan? Pero ‘yong asong galit, kung saan-saang kanto matatagpuan, sabi ni Cici. Depensa naman ni Danica, ang multong pangit, palihim kung umatake dahil minsan hindi mo nakikita. 

Sobrang intense ng sagutan, pati ang hosts nag-Baranggaan. Vhong Navarro at Kim Chiu versus Vice Ganda at Jhong Hilario! Sabi debate lang, pero bakit nauwi sa personalan? 

Lahat ay may gandang kakaiba pero isa ang mag-uuwi ng korona, at ito ay si Danica ng Brgy. Tandang Sora. Abangan naman sa Lunes ang weekly finals ng “Escort Mo, Show Mo.


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.