← Back to Home
Escort Jay, na-DISTRACT kay Tetay | It’s Showtime

Escort Jay, na-DISTRACT kay Tetay | It’s Showtime

Panoorin ang Team Komedyante vs. Team PBB Collab sa "MASAsasagot Mo Ba?" sa I'ts Showtime!

🕒 7/24/2025, 5:43:49 AM551 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Escort Jay#Divine Tetay#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Anne Curtis#Kim Chiu#It's Showtime#Showtime#HappyDayShowtime#Escort Mo Show Mo#Shuvee#Gladys Reyes#Vina Morales#Vice Ganda#Karylle#Jugs#Teddy#Ion Perez#Darren Espanto#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga#Amy Perez#Ryan Bang#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Argus#Imogen#Jaze#Kulot#Lucas#Madlang People#Breaking Muse#Escort of Appeals#Step In The Name of Love#MASAsagot Mo Ba

What's up, mga abangers! Ito ang tamang oras para sa bogchi. At para ang FUNanghalian ay mas pasarapin, "It's Showtime" family ang bahala sa good vibes na ihahain. 

Classes are suspended, but happiness is still present. Sabay-sabay nating i-manifest ang paghupa ng masungit na panahon. Sabi nga ng epesyal nating bista na si Lani Misalucha, tila hihina rin ang ulan, tila lilipas din ang bagyo.

Sa jeep na byaheng "It's Showtime," pwedeng sumakay pero bawal ang sumabit sa mga trivia questions. "MASAsagot Mo Ba?" ang mga katanungan tungkol sa mga bagay na nakikita araw-araw? Siguradong sasakay ka kung ang kasabay mo sa jeep ay sina Ralph de Leon, River Joseph, at Brent Manalo ng "PBB Collab." Kumusta nga ba ang boys sa pagbabalik nila sa outside world? 

Sila ang nakaharap ng Team Komedyante nina Anto Diva, Beki Belo, at Tammy Brown, na nasubok ang pagiging 'marupok' dahil sa ka-cute-an ng mga kalaban. 

Pero mukhang si Jhong Hilario ang mas kinabahan nang magkamali sa pagbabasa ng tanong, na muntik ikatalo ng "PBB Collab" boys. "Maba-bash ako," biro niya, kaya buti na lang daw talaga naging winner sina Ralph, Brent, at River.

Signal no. 3 ang lakas ng confidence ng dalawang guwapong sumalang sa "Escort Mo Show Mo." Bumaha ng karisma sa pagdating ni Jay ng Brgy. 176 Caloocan, na babasagin ang standard mo sa mga guwapo. Dahil ang lakas ng appeal niya ay nagmumula sa tiwala sa sarili at puso. Dagdag pogi points pa ang pagiging loyal sa asawa. 

Si Wilbert ng Brgy. Banaba San Mateo Rizal, susungkitin ang puso mo sa mga hirit na tumatama parang pana ni Kupido. Mukhang tinamaan nga si Kim Chiu, na game amuyin ang pinakamabangong parte ng katawan ni Wilbert, na hindi naman choosy, so, go lang talaga, Kimmy. 

Samantala, si guest co-host Shuvee Etrata, nagningning ang mga mata. Nahanap ba ang bagong TDH niya? Kung sina Jay at Wilbert ang kikilatisin, pwede na, tall and dark, to follow na lang 'yong "handsome." 

Teka, ano 'to? Hindi lang escorts ang nagpuksaan dahil pati Board Members nagbangayan? Sina Gladys Reyes at Vina Morales, nag-away dahil kay Tetay?

Tama na muna ang fight, talent portion muna tayo, ayt? May kurot sa puso ang interpretative dance ni Jay, pero may aliw na hatid naman ang rap song ni Wilbert. Na-LSS pa nga sina Vina at Tetay. Eh, sino ba talaga sa dalawang escorts ang may kaguwapuhan na walang papantay? 

Walang tigil ang ulan, wala ring tigil ang pagbuhos ng talento sa "Tawag Ng Tanghalan" Year 9 entablado.

Mula Camarines Sur, lalanguyin ni Isaac Cama ang mga pangarap niya, singing "Dive." Pinuri ni Punong Hurado Louie Ocampo ang "crack" sa boses nito, ngunit pinayuhan na bantayan ang tempo. 

Masasabing born to perform si Devine Marie Geniloza ng Butuan City na kinanta ang "Sabihin." Sabi naman ni hurado Nonoy Zuniga, nilabanan ni Devine ang kaba with her stage presence. 

Hindi pwedeng walang puwang sa tanghalan ang magandang tinig ni Noielle Rodriguez ng Legazpi, Albay na inawit ang "Hindi Tayo Pwede." Gandang-ganda si hurado Ogie Alcasid sa boses nitong may iyak, poot at lungkot. 

Sina Isaac at Noielle ang nagharap sa KanTapatan round kung saan si Noielle ang umangat matapos makakuha ng score na 94.3% sa pagkanta ng "Toy." Samantala, 89.3% naman ang grado ni Isaac na kinanta ang "Sabihin Mo Na."

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Escort Jay, na-DISTRACT kay Tetay | It’s Showtime | Cheezmis